Sige, para isahan na lang. Ito ang mga personal kong dahilan kaya ayaw kong mag-fb:
- Sayang ang oras. Tsismoso ako. Mahilig ako sa Biography ng mga tao. May tendency ako na ma-hook sa update ng lahat ng kaibigan ko sa Social Network katulad ng nangyari sa akin sa Friendster. So dahil dun, nakilala ko ang sarili ko at hindi bagay sa akin ang Social Networking. Sayang ang oras. Kung hindi ko kayang masupil ang sarili ko rito, mas gugustuhin ko na lang na hindi magsimula.
- Redundant ang Social Networking. May e-mail account ako. Dun nyo na lang ako send-an ng message at document. Sa tingin ko yun ang mas professional way of communicating. Kung in-e-mail nyo ako, automatic sa e-mail account ko iyon at hindi sa FB account. Nagkakalituhan dahil sa redundant na function. Kung kaya na ng e-mail ang mag-send ng Document at message, para saan pa ang FB?
- Hindi ko kailangan malaman ang pang-araw-araw na pamumuhay ng aking mga kaibigan, hindi ko rin kailangang isigaw sa mundo ang araw-araw na update ng buhay ko. Mas gusto kong makipag-kwentuhan ng personal sa mga kaibigan ko or makipag-penpal sa kanila gamit ang e-mail. Kung may FB ako, wala na tayong mapag-usapan kapag nagkita tayo dahil alam na natin ang mga basic update ng pareho nating buhay. Mas exciting kung marami tayong mapag-usapan lalo na kung personal. Hindi natin yun magagawa kung alam na natin ang updates sa isa't isa.
- Iwas away. Maraming iba't ibang kaisipan ang naglipana sa FB. Hindi totoo lahat at hindi lahat tama. Hindi lahat dapat patulan pero papatulan ko lalo na ang mali. Dahil dito, maaaring sa paghahangad ko na maitama ang mali, maging mali ako. "Prevention is better than cure." "If you can't beat them, don't start a fight." Makakaiwas ako kung hindi ko na lang sisimulan.
- Information Overload. Sabi ng mga nagtitinda sa akin ng Facebook, marami raw akong malalaman sa FB. Hindi ko kailangan malaman lahat. Tulad ng sinabi ko kanina maraming hindi totoo sa FB. Totoo man, hindi ko kailangan malaman lahat, "Hanggang lumalawak ang kaalaman ay dumarami ang alalahanin, at habang dumarami ang nalalaman ay lalong tumitindi ang sakit." - Mangangaral 1:18