Mga Pahina

Pag-ibig

****************************************************************************
Ang mababasa sa ibaba ay hindi pa tapos. Maaaring mabago anumang oras mula nang iyong binasa.
****************************************************************************

HEART EARTH ART

Minsan nag-usap ang mga pangunahing laman loob:
Utak: Ganda ano?
Puso: Nakita mo rin pala.
U: Sabi ko na nakita mo kasi tumatalbog talbog ka eh.
P: Ehhh... yun nga eh. Ligawan ko na kaya?
U: Ngik! Kilala mo na ba yan? Kailan mo lang unang nakita, ligawan na agad? Ganun ba yun?
P: Pag-ibig na yata ito eh. Mukhang sya na ang matagal na nating hinihintay.
U: Hindi ko sure kung kaya mo itong isipin, trabaho ko yun eh, pero try mo. Walang pinagkaiba yan sa isang babae na nakita mo sa jeep or sa daan then kinuha mo ang pangalan at numero ng telepono. Masyadong mabilis.
P: Bakit? Anong masama run?
U: Anong masama? May seryoso bang relasyon na nabuo sa text or sa pakikipagkilala sa strangers? Magkaroon ka naman ng galang o dangal sa pag-ibig.
P: Sa kahit anong paraan pwede magsimula ang pag-ibig. Tsaka kaya ka nga magpapakilala kasi strangers kayo sa isa't isa.
U: Ayos. Tingnan mo kung anong sense: lalapit ka, kakalabitin mo sya tapos sasabihin mo, "May hiring pa ba sa puso mo?" Tiyak ko magtataka yun. Ang isasagot lang nun, "Huh!? Are you talking to me? Who are you anyway?"
P: Hindi naman siguro ako susoplakin nun. Mahihiya naman siguro yun or iisipin ang madarama ko. Tapos kakanta ako ng, "Ipagpatawad mo, aking kapangahasan. Binibini ko, sana ay maintindihan. Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo. Ngunit para lang sayo ayaw nang lumayo... Ipagpatawad mo, minahal kita agad."
U: Bwahahahaha! Kung ako yung babae tiyak tatalikod ako then lalayo ako sayo. Baka sabihin ng mga nasa paligid, "Ay! Baliw!"
P: Eh 'di sasabihin ko, "Nababaliw ako sayo."
U: Bwahahahaha! Pag-ibig ba yun?
P: Alam mo ba ang pag-ibig? Tawa ka ng tawa riyan, alam mo ba yun?
U: Naman! Ako pa tinanong mo, eh lahat ng pag-aaral mo sa pag-ibig ay sa akin mo iniimbak...
P: Ako naman ang nakakadama...
U: Iniiba mo usapan eh. Ang payo ko, PATIENTS... Darating din ang pagkakataon mo. Kilalanin mo muna, alam mo ba kung marunong yang magluto? Kung pang-ilan sya sa kanilang magkakapatid, o kung may kapatid ba sya? Ano plano nya sa buhay? Buhay pa ba ang kanyang mga magulang? May kasintahan na ba? May ibang nanliligaw? Saan ba sya nagsisimba? May ministry ba sya sa simbahan? Gaano nya kakilala ang Diyos?
P: Ang dami mong tanong. Tiyak ko, kapag nasagot ko na yan, may kasintahan na sya.
U: Eh, ano? Kasintahan lang naman, may pagkakataon pa...
P: Kailan ang pagkakataon? Sa mga nakaraang panahon, palaging iyan ang sinasabi mo. Ano nangyayari? Hindi dumarating. Tayo dapat ang gumagawa ng pagkakataon.
U: Masyado ka talagang nagmamadali, mauubos na ba ang babae sa mundo?
P: Iba sya. Pakiwari ko, sya na.
U: Teka, may naisip ako. Naalala ko, hindi lang sya ang naka-imbak sa akin na may naka-tag na "Love" pawang magaganda at dalaga pa. Idaragdag mo ba sya sa "Waiting List" mo ng tamang timing. "Si Ayda o si Ina o si Le-?"
P: Uy, wag mo pakialaman yan. Wag ka maingay. Wag mo ilalabas. Yun nga eh. Hindi pa ulit kami nagkikita nung dalawa. Yung isa may kasintahan na kaya wag mo na isipin.
U: Ok, naiisip ko mangyayari kung ilabas ko sila. Ahehehe.
P: Ikaw kasi eh! Siguro isa sa kanila ngayon dapat asawa ko na kung hindi mo lang ako palagi pinangungunahan at pinangangalandakan ang salitang "PATIENTS."
U: At ano? Bandang huli, makakakita ka pa ng mas higit? Hay naku, tiyak ko ito'y anong sakit! Pareho kayong kaawa-awa. Ang gusto mo pa diba, isa na lang? Kung sino maging kasintahan, sya na ang papakasalan. Kaya kailangan mong maghintay ng tamang binibini, sa tamang pagkakataon. Ihanda mo na lang kaya ang sarili mo sa darating na dalaga? Baka may kailangan ka pang matutunan.
P: Hindi kaya sya yun?
U: Ok, marami akong oras. Pwede kong ulit-ulitin yung mga sinasabi ko sayo kanina. Kilalanin mo muna. Kaibiganin mo. Malay mo, may mga attitude sya na hindi mo kaya...
P: Kaya ko syang tanggapin "Maging Sino ka man." Yan ang pag-ibig.
U: Bwahahahaha! Ayan ka nanaman. Ok yan kung consistent ang presence ng "Pagmamahal," eh hindi naman diba? Hindi palaging nasasalo ng pag-ibig ang pagkukulang o maling nagawa lalo na sa Pag-ibig sa ating kasintahan o asawa.
P: Eh 'di hindi pag-ibig yun. Masyado pisikal.
U: Yun kaya ang Eros sa Greek. Alam mo kasi sa mga Griyego, ang pag-ibig at may apat na salita: Eros, pag-ibig sa kasintahan o asawa; Storge, natural na pag-ibig sa magulang or ng magulang sa anak; Philia, pag-ibig sa kaibigan; at ang pinakamatindi Agape, o pag-ibig ng Diyos sa tao.
P: Sa amin kasi ang lahat ng iyan ay nangangahulugang pagmamahal o pag-ibig. Isang salita lang na ang laman ay yang apat ng mga Griyego.
U: Ok sige. Sabi mo eh. Hehehe. May naisip ako na mas mahalaga sa pinag-uusapan natin. Hehe.
P: Sa ngisi mo mukhang kalokohan yan ah.
U: Medyo. Hehehe. Kilala mo si Google diba? Tanong tayo sa kanya tungkol sa magandang dalaga.
P: Hmnnnn. Sige. Type mo...
*Tak tak tak tak tak Tak tak tak tak tak tak Tak tak tak tak tak tak tak
U: Yun....
P: Ito ito ito....
Staking.... ng mga lamang loob....
U: Ganda talaga no?
P: Hanggang tingin na lang ba talaga tayo? Baka pagkatapos ng lahat kantahin nanaman natin yung "In Another Life... I will be a Man..." o kaya yung "Mabuti pa sa Lotto may pag-asang manalo, 'di tulad sayo, imposible!"
U: Kilalanin mo muna habang hindi ka pa nanliligaw. Baka bandang huli, hindi mo rin ituloy. Masakit yun. Hanggang tingin na muna tayo. Tipid pa. Nyehehe.
P: Sa susunod kasi wag na tayo maghintay ng pagkakataon. Tayo na lang gumawa ng pagkakataon.
U: Kaya mo ba? Baka kumawala nanaman yung mga alaga mong paru-paro. Magrereklamo nanaman si Bituka.
P: Yun nga eh. Sobrang talbog ko, naglalabasan sila.
U: Siguraduhin mo lang na totoong pag-ibig yan. Tutulungan kita. Paano mo ba nalalaman na totoo pag-ibig na? Kapag kaya mo nang gawin ang lahat para sa kanya? Abutin ang bituin, buwan, ulap? Maglayag sa malawak na karagatan? Tawirin ang mataas at matarik na bundok? Tumawid sa ilog na maraming buwaya at pirana? Kalabanin ang mga aswang at lamang lupa? Sabihin sa kanya ang iyong nadarama? Dalawin sya sa kanilang bahay kahit na naglilinis ng baril ang kanyang tatay? Sunduin at ihatid sya sa kanilang bahay kahit madalas syang mag-OT ng alanganing oras? Maglaan ng pera para sa pamamasyal o pagreregalo? O kapag gumawa ka ng paraan para magkita kayo at masabi mo na sa kanya ng iyong nadarama sa kabila ng bayo ng dibdib mo?
P: Yun nga eh. Mukhang yung first step hindi ko pa kayang gawin.
U: Hahahahahahahahahaha!!
P: Medyo brutal ang tawa mo ah.
U: Hindi mo pa talaga kaya. Mambati nga lang or kausapin hindi natin magawa. Naalala ko bigla yung panahon na pwede mong kausapin, tumakbo ka pa sa CR para i-compose ang sarili mo. Kumuha ka ng bwelo para batiin lang ah... para batiin lang! Pero hindi mo nagawa. Natatawa ako sayo. Tinanong mo pa ako ng gagawin, wala rin palang lalabas na salita sa bibig mo.
P: Hindi ako makapagsalita kasi nagrereklamo si Bituka sa daming paru-paro na nasa kanya kaya hinuli ko muna.
U: Hahahahahahahaha!! Si Ayda ba? Sabi nya may magagalit pero mukhang wala naman,
P: Yun nga eh. Nung tinanong ko si Ina, sabi nya: "Either may ibang gusto sya o may manliligaw na malapit na nyang sagutin."
U: Yan gusto ko kay Ina - maganda na, matalino pa. Yan ang tipong masarap makasama sa habang buhay.
P: Oo nga eh. Napakapalad ng kasintahan nya.
U: Eh yung pinaka magandang UMYF na kasabayan natin? Wala pa raw kasintahan hanggang ngayon ah.
P: Si Le? Hihihihihi. Oo nga eh. Wala pa rin akong nakikitang mas maganda sa kanya.
U: Oo nga. Tama ka. Dami na nating nakilala wala pang tumatalo sa ganda nya. Matalino rin sya.
P: Hayyyyyyyyyy... "Lord, bigyan nyo po ako ng chance...."
U: "Pero Lord, bigyan nyo rin po ako ng lakas ng loob, normal na pag-iisip at budget kapag dumating na ang 'chance' na iyon."



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento