Mga Pahina

Biyernes, Hunyo 22, 2018

Pag-ibig na Pandiwa

Paano ba ipadarama,
Pag-ibig sa isang dalaga
kung sya'y malayo at abala?
Sapat ba ang pagpapadala
Ng liham ng pangangamusta
Araw-araw, gabi't umaga?
Hindi kaya ito ay sobra
Lalong lumayo ang dalaga?
Siguro... kung sya'y may iba na.
O baka 'di ka kursunada.
Sa kanyang sagot makikita
Kung mayroon ka pang-pag-asa.
Ngunit lahat ba nagawa na
Bago itaas ang bandila?
Marami pang 'di nagagawa.
'di sapat ang pagpapadala
Ng liham ng pangangamusta
Araw-araw, gabi't umaga.
Napakarami pang pandiwa
Naghihintay sayo binata.