Mga Pahina

Lunes, Oktubre 5, 2020

Araw ng mga Guro 2020

Nais ko lang pong magbigay ng pagpupugay sa lahat ng naging guro ko lalo na ang mga gurong hindi ko malilimutan nung panahong nasa apat na sulok ako ng Mataas na Paaralan ng Bagumbong sa Hilagang bahagi ng Caloocan:

Kay Ginang Faustino na nagturo sa aking pumasok araw-araw kahit may lagnat at nagbago ng pagtingin ko sa pag-aaral nung ikalawang taon ko. Dahil din sa kanya, nagkaroon ako ng hilig sa pag-aaral ng kasaysayan. Sya ang pinakasigang guro sa apat na sulok ng kwarto na nakilala ko nung nasa Mataas na Paaralan ako pero nakatulong ito para makinig ako sa kanya. Nakuha nya ang respeto ko. Naaalala ko pa ang tinatawag nyang "quiz quiz-an" araw araw. Dapat may handa ka ng ika-apat na bahagi ng papel pagpasok nya dahil minsan nasa hagdanan pa lang sya, nagsasabi na agad sya ng tanong para sa nasabing pagsusulit.

"Maraming salamat po, Ginang Faustino!"

Kay Bb. Ma. Crestina L. Bacho na gumising sa aking damdamin sa Panitikang Filipino noong ikalawa at ikatlong taon ko. Bagama't Agham ang pinakapaborito kong asignatura, nagkaroon ng bahagi sa puso ko ang Wika at Panitikan. Ang mga maiiksing kwento na hindi lang pala dapat bigyan ng mababaw na pagtingin kundi maging ang mga sinasalamin nitong aral. Ang pagbabasa sa pagitan ng mga linya sa panitikan ay sa kanya ko natutunan. Pinuna niya ang ginawa kong tula dahil sa paulit-ulit nitong salitang tinutugma na hindi maganda. Kaya naging ganito ang paraan ko ng pagsulat ay dahil sa kanya. Ang mga bahid ng kanyang mga turo ay makikita sa paraan ko ng pagsulat hanggang sa ngayon. Kung siga si Ginang Faustino, parang kaibigan ang turing sa amin ni Bb. Bacho sa paraan nya ng pagtuturo. Nakikipagbiruan at pumupuna sa tamang lugar. Hindi ko malilimutan ang kanyang pagpapakilala at pagbibilin sa amin ng buo nyang pangalan: "Bb. Maria Crestina L. Bacho" hindi "Batso" o "Bachoy". 

"Maraming salamat po, Bb. Maria Crestina L. Bacho!"

Sa mga Gurong Tagapayo ko, lalo na nung ikatlo at ikaapat kong taon na sina Ginang Licarte at Binibining Escaño na pumuna sa aking kakapusan sa marka at relasyon sa ibang guro. Malaking bagay ang inyong paalala! 

"Maraming salamat po sa inyo!"

Magkaiba ang paraan ng mga guro kong iyan sa pagtuturo sa akin ngunit pare-pareho nilang nakuha ang aking respeto. Hindi ko alam kung bakit, ngunit binago nila ang buhay kong dati'y walang pakialam sa pag-aaral. Dahil ba panahon iyon ng pagbibinata? Dahil ba yun sa galing nilang magturo? Dahil ba marunong akong makinig? Dahil ba sa kanilang puso sa pagtuturo? Dahil sa kanilang pagpapakilala? Hindi ko kayang tukuyin hanggang ngayon ang dahilan.

Maaaring hindi na nila ako maalala dahil sa daming mag-aaral na dumaan sa kanila. Maaaring hindi ko na rin sila makilala dahil halos dalawang dekada na nung huling makita ko sila. Ngunit ang kanilang turo ay nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay ko paglabas ko ng Mataas na Paaralan ng Bagumbong.

Kung ikaw ay nagtuturo, malaki ang magiging bahagi mo para sa kinabukasan ng iyong mga mag-aaral. Paano ka kaya nila maaalala ng iyong mag-aaral kapag nakatapos na sila? Saan kayang bahagi ng kanilang puso ang iyong lugar? Galingan mo hanggang kaya at panindigan ang kagalangkagalang na sapatos na sinuot mo. Salamat sa pagkasa mo sa hamon. Nawa'y samahan kayo ng Poong Maykapal!

Sa araw na ito ng mga Guro, nais kong kunin ang pagkakataon para pasalamatan ang lahat ng naging Guro ko sa loob at labas ng paaralan lalo na ang mga gurong nabanggit ko sa itaas! 

"May iba't ibang bahagi kayo sa puso ko. Maraming maraming salamat sa inyo!"

Maligayang araw ng mga Guro!

Huwebes, Oktubre 1, 2020

Ang PizZAH!!

Masarap kaya mahal.

May tomato sauce na, may cheese pa.

Madalas may karne, pwedeng vegan rin.

Kaya galingan sa trabaho para may kita.

Huwebes, Setyembre 24, 2020

FIRST

 Calling local expertsI locate odd voices everywhere... you only understand.

Citizens looks enthusiastic... I'm lost on very earnest yelling of uninformed.
Company likes empowerment, if lots of vocal employee yearn on upgrade.
Colors likely entertain, interestingly, lots of visual enthrall, you're only unfocused.
Camouflage letters everywhere, intentionally, lurking on various expression, yeast of utterances.
Consider local empanada, its looks overwhelming vis-à-vis expensive yet only unbeatable.
Common leaders endure in labyrinth of visible entanglement yonder on unimportant.

Biyernes, Setyembre 18, 2020

Life Online


What else can we say? Because of Pandemic we are prisoner of our fear from invisible enemy that might hit us... and becoming a carrier that would spread this uninvited guess... and unknowingly introduced this virus to our beloved relatives that might be more vulnerable to destruction cause by its complications.

Miyerkules, Setyembre 2, 2020

Ezekiel 40

*****************DISCLAIMER*****************
Read at your own risk. Hindi ako Theologian o Clergy. Ito'y personal commentary.
Maaring tama para sa iyo o hindi. Anyway pwede namang mag-comment.
Mahaba pero sana matapos mo.
************************************************
 
Aaminin ko, nung una kong nadaanan yang bahagi na yan ng Biblia inantok ako. Tinamad akong basahin. Maliban siguro sa mga ancestral line, yung description kung anong itsura ng isang bagay na dapat naka-drawing ang isa sa nakakatamad basahin sa Bible.
 
Ang salita ng Diyos sa mga Propeta nung Old Testament ay direktang mensahe sa mga particular na tao nung panahong iyon at ito'y para rin sa mga tao sa hinaharap. Katulad ng sinabi sa 2 Timothy 3:16-17 "All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness, so that the servant of God a may be thoroughly equipped for every good work." Ngayon, anong significance ng mga bahaging katulad nito sa Biblia sa ating pamumuhay ngayon? Obsolete na ba ito? Bakit wala pa akong narinig na sermon tungkol dito? Dapat bang skip na natin ang pagbabasa nito? Buo pa rin ba ang Biblia kung wala nito?
 
Para sa akin walang obsolete sa alin mang bahagi ng Bible.
 
Hebrew 1:1 "Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta."
 
Hindi nagbabago ang Diyos: Malakias 3:6, Hebrew 13:8, at Santiago 1:17
 
Anong mensahe ngayon ng mga bahaging "nakakaantok" sa Biblia? For sure kapag binasa mo under the guidance of the Holy Spirit, malalaman mo personal message sayo. Pero bigyan kita ng ilang personal message sa akin:
1. Nagpapakilala ang Diyos sa atin. Please read between the lines.
2. May listahan ang Diyos kaya wag mong sasabihing hindi ka Nya naiisip o hindi ka Nya kilala o nakikita.
3. May plano ang Diyos. Hindi hinulaan ni Ezekiel ang bahaging ito. Pinakita sa kanya ng Diyos.
4. Ang Diyos natin ay Diyos ng kaayusan. (1 Corinto 14:33) May sukat ang bawat bahagi.
5. Maganda at nagpapakita ng Kanyang kapangyarihan at kadakilaan ang Kanyang mga gawa.
 
Aaminin ko. Dahil siguro sa language barrier may mga salita sa Ezekiel 40 na hindi ko masyado-visualize. Pero nung minsang sinubukan kong i-drawing, mas na-intindihan ko. Ngayon may pa-video pa sa YouTube.
 
Sana maka-encourage ito para mas makilala natin ang Diyos ng mas malalim at para wag natin i-skip yun mga "nakakaantok" na bahagi ng Biblia.

Huwebes, Hulyo 2, 2020

Sending USD to Paypal from Coins.ph

Medyo na-fru-frustrate ako nitong nakaraang araw dahil hindi ako makabili online. Wala akong credit card, wala akong debit card, yung Paymaya ko expired na. Walang option sa coins.ph kaya naghanap ako ng alternative. Nakita ko na pwedeng from GCash to Paypal. Sign up ako. Ang magandang part, hindi mo pala ma-a-access sa desktop ang account na ginawa mo. Mobile Application lang daw. May smartphone naman ako kaya lang medyo hindi na kaya ng BB Z30 ang mga makabagong application dahil huminto na sila ng update nito.
Isa sa mga dati kong virtual debit card ay sa Payeer. Binalikan ko yung dati kong account. Hindi ko na ma-access. Nag-sign-up na lang ulit ako. Wala, kailangan ko magkaroon ng virtual debit card. Ok naman yung card nila sa past experience ko. After ko gumawa ng account hinahanap ko yung debit card nila. Ang saya. Tinigil na pala nila yung ganung service. Yun pala yung dati kong dahilan kung bakit hindi ko na ginagamit yung Payeer account ko. Iyak.
Sinubukan kong suyurin ang google para makagawa ng paraan kung paano makapag-transfer ng pera from Coins.ph to Paypal pero wala akong makita. Ok. Suko na.
Naisip ko na baka naman may paraan para makapag-transfer from Payeer to Palpal. Hindi naman ako nabigo at hindi naman pala nasayang ang effort ko para magbukas ng Payeer Account. Sa mga listahan na binigay ni google sa search ko (Payeer to Paypal), ito ang site na nakursunadahan ko:
Mukhang kailangan ko pala mag-sign-up ulit sa third party. May review naman ang mga user kaya baka pwede kong subukan. Namili ako ng isa at napunta ako sa:
Hmn... Hindi lang pala sila sa Payeer, tumatanggap din sila ng cryptocurrency! Oh men! Pwede palang hindi na dumaan sa Payeer. Pwede ng rumekta from crypto sa coins.ph to Paypal! Kung hindi mo pa napupuntahan ang site nila, ito ang kanilang tinatanggap na cryptocurrency:
BTC
ETH
XRP
LTC
USDT
May 4% + 1USD fee at "will be processed within approximately 1-12 hours including weekends" na nakalagay sa terms of service.
Paano ito gumagana? Usual sign-up, then pili ka ng service, tapos magbibigay sila ng address kung saan ka magpapasa ng cryptocurrency. Kapag nakapagpasa ka na ng crypto, kailangan mo gumawa ng ticket para ma-inform sila na naipasa mo na.
Nung nailagay na nila sa Paypal ko ang total amount, ang gara. Personal na pangalan ang nagpasa sa akin at hindi nakapangalan sa company. Hmn... Parang ganito ang nangyari: May taong handang bumili ng Crypto tapos magbabayad sila sa pamamagitan ng Paypal. Kung tingin nila babagsak ang specific crypto, pwede nila ibenta kaagad ang crypto at ang kita nila ay yung 3% + 1USD lang. Pwede na rin. Maykita na sila. To think na may minimum naman yung amount yung crypto na gusto nila bilhin. Hindi naman siguro too good to be true kasi reasonable naman.
Disclaimer: Hindi ako related sa CyberBTC. Nakatulong lang sila sa akin kaya gusto ko i-share sa inyo dahil baka may pareho tayong problema. Try nyo pa rin maging skeptic dito at maghanap ng review kung medyo malaki ang pera nyo. Do additional research.
Side Note: May pwede rin kayong maging problema sa Paypal. Basahin nyo na lang kung papayagan na nila a magastos yung pinasa nyong pera. Kasi sa experience ko, biglang may tag na "Not Available" yung pinasa ko. Bad trip. Kailangan ko raw maghintay ng 21 days bago maging "Available" yung fund. Pero hindi ko maintindihan kasi ilang oras lang nagamit ko na yung pera pambili. Anyway, try nyo na lang review-hin ang mga rule ni Paypal.

Linggo, Marso 22, 2020

"NAPAKAWALANG KABULUHAN!"

- Ecclesiastes

*****************DISCLAIMER*****************
Read at your own risk. Hindi ako Theologian o Clergy. Ito'y personal commentary.
Maaring tama para sa iyo o hindi. Anyway pwede namang mag-comment.
Mahaba ito. Kung sisimulan, hindi masusulit at hindi mo makukuha ang tunay na kaisipan kung hindi mo tatapusin. Parang yung Ecclesiastes mismo.
************************************************

May isang Amusement Park na kilalangkilala ng lahat ngunit dahil sa mahal ng bayad at hirap puntahan, iilan pa lang ang nakakapasok at nakaka-experience ng kanilang rides at activity. Isang araw may isang binata, kasama ang lahat niyang kaibigan at kamag-anakan ang nagpunta sa Park at sinakyan lahat ng rides at pinuntahan lahat ng adventure. Nagsulat ang binata ng experience nya tungkol sa Park na gustung gustong puntahan ng lahat.

Ano mararamdaman mo kung ang sinasabi ng binata sa kanyang artikulo, "Walang saysay. Enjoy naman sya pero walang kwenta. Kahit sakyan mo lahat ng rides at puntahan lahat ng activity, hindi ka rin mag-e-enjoy. Pero kahit yun walang kwenta."

Kung ganyan ang review ng binata, mag-iipon ka pa ba ng pera para pumuta sa park?

Ganyan ang review ni Haring Solomon (as tradition tells) sa buhay dito sa mundo. Siya ang pinakamayaman at pinakanatalinong hari ng Israel. Nasulit nya ang mundo. Nakuha nya lahat ng gusto nya. Kayamanan, karunungan, babae, alak, kapangyarihan, etc. Namuno sya sa panahon ng kapayapaan sa lugar ng Israel. Ngunit maraming beses nyang inulit sa Ecclesiastes ang isa sa pinaka-depressing phrase sa pinaka encouraging books sa mundo: "Walang kabuluhan! Walang kabuluhan; lahat ay walang kabuluhan."

Isa sa paborito kong Book sa Bible ang Ecclesiastes. Makatotohanan. Straightforward. Basic. Practical. Full of wisdom. Siguro mawawalan ka ng gana kung mabasa mo na walang kwenta ang lahat. Ang dami nating pinagkakaabalahan at madalas ay pinapatay na natin ang ating sarili para makuha yung mga bagay na sinasabi ni Solomon na "walang saysay." Minsan pa nga umaabot sa pakikipagkagalit o samaan ng loob, stress, at burnout. Naalala ko tuloy yung sinabi ng Linkin Park:

"I tried so hard and got so far.
But in the end, it doesn't even matter.
I had to fall to lose it all.
But in the end, it doesn't even matter."
-- "In The End" by Linkin Park. Hybrid Theory Album (2000)

Sakit nun. After mo paghirapan wala rin naman palang saysay. Kaya hindi mo masisisi si Chester na sumigaw habang kinakanta yan.

Bakit nga ba sinabi ito ni Haring Solomon? Ano ba naisip ng mga Judio bakit kasama sa "Canon" books nila ang Ecclesiastes? Yan tuloy, ang buong Christian (or sabihin nating Catholic) Church ay ginagamit ang book na ito at tinuturing na "inspired by God" o "kinasihan ng Diyos" ayon kay Pablo.

Katulad ng sinabi ko sa simula, hindi natin pwedeng simulan ang pagbasa sa Ecclesiastes at tatapusin sa gitna. Kung hindi mo matapos ang kaubuan ng aklat, hindi mo makukuha ang kaisipan. Hindi ka pwedeng mag-conclude sa sulat ni Solomon kung ilang pangungusap lang ang kukunin mo at hindi mo isasama ang kabuoan.

Natutunan ko yan minsan ng tanungin ko ang aming Pastor na si DS Reuel Javier tungkol sa Ecclesiastes 7:18. Sabi nya sa akin, "Lahat ng proposition ng sumulat ay sinabi nya sa simula. Hindi ka pwedeng mag-conclude sa gitna ng hindi isinasaalang-alang yung conclusion nya na nasa dulo. Lagi mong isasama yung conclusion."

Ano ba yung Conclusion nya sa dulo na pinakamahalaga sa lahat?

"Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos."
- Mangangaral (Ecclesiastes) 12:13-14 MBB

Kung hindi mo raw isasama iyan. Maliligaw ka.

APPLICATION:

Tunay ngang depressing ang mundo. Kaya hindi ka na magtataka dami ngayong nade-depress kahit mga bata. Napakabilis kasi ng ikot nito. Lahat nagmamadali. Lahat ng trabaho rush. Yung ibang kaedad mo o mas bata pa sayo, settled na o established na ang buhay at naikot na ang iba't ibang sulok ng mundo tapos ikaw natatira ka pa rin sa silong ng magulang mo? Unfair ba? Bakit sila may chance ng ganun sa buhay tapos ikaw na naglilingkod sa Diyos at halos patayin ang sarili sa trabaho parang hindi umuusad? Kung ganyan mo tingnan ang buhay, "Walang saysay ang lahat ng iyan." Sabi sa nga sa Ecclesiastes 3, "Panapanahon" at sa Ecclesiastes 9:11 "... hindi lahat ng may kakayanan ay nagtatagumpay;...." Sabi pa sa Ecclesiastes 7:21 "Wag mong pakinggan lahat ng sasabihin sayo ng tao...."

Sa bandang huli, dapat lagi nating tandaan na lahat tayo magsusulit sa Diyos. Kalooban ba ng Diyos ang gagawin ko? Ano kaya ang sasabihin ng Diyos kapag ito ang plano kong gawin? Lumakad tayong kasama Sya. Kung hindi natin gagawin yun, hindi natin masusulit ang mundo. Tayo ang malulugi at magsasabing, "Wala ngang kwenta." Hindi natin makukuha ang "abundant" life na sinasabi ng Panginoong Jesus sa John 10:10b.

CONCLUSION NG BINATA SA KANYANG ARTIKULO

"Walang kwenta ang lahat ng mga rides at activity kung hindi mo susundin ang kabuoang instruction ng may-ari. Hindi mo makukuha ang experience na nais ibigay ng may-ari kung magsarili ka ng diskarte at hindi mo sya isasama sa iyong adventure."

INVITATION

Sa ganang akin, hindi lang ito sa Ecclesiastes applicable kundi sa kabuoan ng Biblia. Hindi natin masusulit ang mensahe ng Panginoong Diyos kung hindi natin mababasa ng buo. Yung plano ng Diyos ay makikita sa kabuoan nito at hindi natin makikilala ang Kanyang layunin kung kukuha lang tayo ng mga sitas ng hindi isinasaalang-alang ang kabuoan.

Isang buwan walang pasok ang marami sa atin at mananatili lang sa bahay. Iniimbitahan ko kayo na simulan nating magbasa ng Bible. May mga bahagi na hindi natin kayang unawain kaya't kahit siguro sa Ecclesiastes natin simulan. Sa tingin ko matatapos mo ang Ecclesiastes ng isang upuan.

"Higit sa lahat, unawain ninyong walang makapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa alinmang propesiya sa Kasulatan, sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo." 2 Peter 1:20-21 MBB

Kung sasamahan ka ng parehong Espiritu na sumama sa sumulat, mauunawaan mo ang binabasa mo. Kaya't mahalagang manalangin at humingi ng patunubay sa Panginoong Diyos upang samahan ka ng Espiritu Santo bago magbasa.

"Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak. Lalo na ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!” Lucas 11:13 MBB