Mga Pahina

Martes, Setyembre 15, 2015

Ang Alamat ng Pabebe Wave

Noong una, simple lang ang kasiyahan ng mga tao noon - kwentuhan, pasyal, kain, sulat, teatro, libro, komiks, sine, radyo, TV, telepono...

Nauso ang Computer dahil kinailangang bumilis ang buhay ng tao.

Dumating ang internet. Isang medium na kung saan ka makakakuha ng mga impormasyon na iniimbak ng mga tao. Ito'y hindi lang bintana na durungawan, kundi pinto na mapapasukan.

Nauso ang Cellphone - paliitan. Hanggang sa nauso ang Smartphone - pinagsama ang Cellphone, Computer at Camera.

Sa isang bahagi nito, may isang bata na kumuha ng kanyang Video habang nag-hihintay sa isang Mall sa Cavite. Siguro nainip sya sa paghihintay. Kasama nya sa mga oras na ito ay dalawang bagay - Mamon at Smartphone. Upang mapatid ang inip, nakipaglaro sya sa dalawang bagay na ito. Presto! Napanood ng marami ang "Ang Babaeng Mamon."

Hindi naman natin ang ma-pi-please ang lahat. Malamang halo ang reaksyon ng lahat ng nakapanood. Marami ang nairita sa paraan nya ng pagsasalita. Maraming hindi magandang comment at may mga nag-effort pang gumawa ng mga Video para sagutin ang kanyang paraan ng pagkain ng Mamon. Haters and Bashers. Pinag-usapan at lumaganap. Maraming gumaya ay may mga gumawa ng Parody. Dahil dito, naging instant internet Celebrity ang bata. Hindi nya alam na gumawa sya ng "Character" sa internet nang maging viral ang video na ito at nakilala sya bilang "Pabebe Girl."

Bago. Unique.

Mahilig ang pinoy kumampi sa dehado kaya't may mga nagmamalasakit naman at nagtanggol sa kanya. Dito nakilala ang "Pabebe Warrior." Matapang na Pabebe Girls - wala silang pake at hindi natin sila mapipigilan. Panibagong "Character." Unique. Mas sumikat sila at nagkaroon ng mas maraming exposure kaysa kay Pabebe Girl. Nang lumaon dumami ang Pabebe Girls at naging Pabebe Queen ang una (Wala pa rin talagang makakatalo sa Orig at nauna. Privilege ng unique). Mas marami ang Parody lalo na sa Show Business kaya't hindi talaga natin napigilan ang pagsikat nila. [1]

Kasabay halos ng pagsikat ng mga batang ito ang paglaganap ng App na "Dubsmash." Ginamit ito ng mga tao upang gayahin ang mga Pabebe Warrior. Sumikat sa Dubsmash si Nicomaine Mendoza na kinuha ng Eat Bulaga upang maging Dabarkads at maging bahagi ng mga nagpapasaya sa manonood tuwing tanghali.

Bahagi ng kanyang regular na dina-Dubsmash bilang si Yaya Dub ay ang "Pabebe Girls" ng mga Pabebe Warriors kasama si Lola NiDora na ginagampanan ni Wally Bayola. Hanggang noong July 16, habang nagda-Dubsmash sya, na-conscious sya at kinilig kay Alden Richard nang makita nya itong nanonood sa kanya sa studio. Inasar ito ng mga Host na tinawag na "Pabebe." Kumaway si Alden. Kumaway din si Maine ng hindi pangkaraniwang kaway - kamay na nasa elevation ng leeg, nakapwesto malapit sa baba, dikitdikit ang daliri at kumakaway ng maiksi at papigil - na tinawag ng mga Host na "Pabebe." Noong araw na iyon, pinanganak at nagsimula ang "Pabebe Wave" at ang "AlDub."

Bagong Character. Unique. Phenomenal. Mas sumikat.

Author in his own version of Pabebe Wave

6 (na) komento:

  1. Hehehehe.... :) Ang pinagpuyatan ni Ginoong Boyong... :) :)

    TumugonBurahin
  2. Iba to uy!!(babalu tone)..grabe boyong.tlgang ginawan mo pa ng blog ang aldub ha.hehehe

    TumugonBurahin
  3. Iba to uy!!(babalu tone)..grabe boyong.tlgang ginawan mo pa ng blog ang aldub ha.hehehe

    TumugonBurahin
  4. Hahahahahahahahaha, Peyborit Kuya! XD
    Nakatulong po ito para masagot ko ang tanong nina Ma at Pa. Maraming salamat! -mai :)

    *pabebe wave*

    TumugonBurahin