Mga Pahina

Biyernes, Pebrero 17, 2017

Paghihintay sa Pag-ibig

Kagabi may natanggap akong mensahe mula kay Irish at nangangailangan ng kopya ng Pananaw (UMYF National Publication). Inisip ko, "Para saan? May specific bang issue? May Pananaw pa ba ako? Parang meron... "

Inusisa ko si Irish kung para saan at kung may specific issue. Ayun, nalaman ko na may nabasa syang kwento ng pag-ibig na tungkol sa paghihitay sa tamang panahon sa isang issue ng Pananaw. Gagamitin nya para ibahagi sa isang gathering (ng Youth ng isang Local Church kung hindi ako nagkakamali o sa isang Church Service na may temang Love) "May specific na issue at kwento. Ayos." May kopya pa kaya ako nun?

Naghanap ako. Gusto ko ring mabasa yung Love Story na hinahanap nya. Naghalungkat ako sa unang lalagyan na naisip kong pinaglalagyan ko ng UMYF Archive ko. "Haha! May Pananaw copy ako!!!" Pero isang pahina lang. Yun yung cover page ng Pananaw at wala sa mga pahina nito ang hinahanap kong kwento. Kaunting halungkat pa at iba't ibang Archive ang nakita ko: may Local (Reportng mga officer at KYouth - Polo UMYF Publication nung time namin); may District (mga document ng CI 2009); may Annual (report ng EBD UMYF, unang pahina ng Minutes na ginawa ko at isang page ng UMYF Constitution ng nilabas namin); at MEA Wide CI (Report at minutes).

Matapos ang ilang minutong paghahalungkat, dami ko nang kalat. Hehe. Ginawa ko na palang scratch paper yung iba. Daming calculation sa likod. May mga nginatngat na rin ang daga. Dahil dun, bigo ang paghahanap at wala akong kopya ng issue na kailangan ni Irish. Sinabi ko kay Irish ang malungkot na balita at niligpit ko na sa hindi ngangatngatin ng daga ang mga archive ko ng UMYF.
Dun sa paglalagyan ko, may mga Archive pa pala ako ng UMYF. "Wow! Asteeg! Sarap bumalik sa panahon na nagsisimula kang maglingkod sa Panginoon. Hehehe. Uy!!! May Pananaw!" Kumpleto ang mga pahina ngunit wala doon ang hinahanap na kwento ni Irish. Kaunting halungkat, "Aha!! May Pananaw pa." at this time Love ang tema.

Ito ang front page ng Pananaw Issue na hinahanap nya:
August 2008 - February 2009 Volume 3 Issue 2
Si Eva Joy Bohol ang Author. Sya ang nahalal na Presidente ng NUMYF ng panahong gumraduate ako sa nasabing kapatiran. Iniisip kong i-type yung kwento para mas madaling basahin pero ito na lang:




Napaisip tuloy ako... "Kaya pala siguro may kasintahan na si Maria Kristina nung makilala ko." Hmmmmnnnnnn... Yahhhh!! Hehehehehe!!

"...God has a better plan for you whom you will meet along the way."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento