Mga Pahina

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panliligaw. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panliligaw. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Hunyo 22, 2018

Pag-ibig na Pandiwa

Paano ba ipadarama,
Pag-ibig sa isang dalaga
kung sya'y malayo at abala?
Sapat ba ang pagpapadala
Ng liham ng pangangamusta
Araw-araw, gabi't umaga?
Hindi kaya ito ay sobra
Lalong lumayo ang dalaga?
Siguro... kung sya'y may iba na.
O baka 'di ka kursunada.
Sa kanyang sagot makikita
Kung mayroon ka pang-pag-asa.
Ngunit lahat ba nagawa na
Bago itaas ang bandila?
Marami pang 'di nagagawa.
'di sapat ang pagpapadala
Ng liham ng pangangamusta
Araw-araw, gabi't umaga.
Napakarami pang pandiwa
Naghihintay sayo binata.