Cle,
August 25, 2018. Friday ng umaga.
Nagsimula ang araw ko sa pagkuha ng Lakbay sa HQ. Sinabay
ako nila kuya Ron at kuya Omar papuntang Tarlac. Galing pa sila sa Mindanao.
Sila kuya Ron ang may dala ng sasakyan at nag-inter island RoRo sa loob ng tatlong araw. Si kuya Omar naman
nag-eroplano at sinundo nila sa Airport. Sila nga pala ang Vice President at
President ng EMPAC, consecutively. Dapat kasama namin nun si Bro. Mike, QCPACE
Coordinator at Lakbay Art Director, pero may meeting pa sya. Hindi lang ako
nalibre ng pamasahe papuntang Tarlac, nilibre pa ako nila kuya Omar pati ng
tanghalian. “Maraming salamat, mga kuya!”
Alas-dos pasado ng hapon, nakarating kami sa Tarlac UMC. Wala
pang ibang delegate. May nagka-klase pa rin sa Room ng pagtutulugan namin. Si
Bro. Dale ( DMYP Representative at Lakbay Online Manager) at ate Ann (NUMYAFP
Vice President) pa lang ang nasa Area at namimili ng pang-outreach namin.
Bumalik sa Manila sila kuya Ron. Si kuya Omar naman ay
nagpahinga muna. Ako naman, sumama muna kina Bro. Dale at ate Ann sa kanilang
pamimili. Namili kami ng mga ballpen, lapis, pantasa at mga note books para sa
mga bata ng Ye Young. Nauna na nilang nabili ang mga Tsinelas. Walking distance
lang ang mga bilihan mula sa Church. May nakita pa akong pwedeng magpasadya ng sapatos na balat. Mag-design kaya ako ng sapatos? Hehehe.
Sinundo namin si kuya Azer, Treasurer ng NUMYAFP, sa
Jollibee. Nilibre din kami run ni ate Ann ng miryenda. “Salamat ate Ann!” Maya
maya, may tumawag mula sa Tarlac UMC. May dumating daw ulit na delegate from
SWPAC – sa Roxas, Mindoro pa galing. Agad kaming tumulak pabalik ng Church at
naabutan namin dun si kuya Jun – ang Presidente ng SWPAC. Dun na kami
nagkwentuhan, nagkamustahan, at naghintay sa mga paparating na mga UMYAF.
Chicken Barbecue at Mixed Vegetables ang hapunan. Busog!
Pagkatapos kumain, nagsimula na ang Welcome Night at nagpapatuloy ang
Registration.
Matapos ang masayang Welcome Night, bagamat umuulan, tumulak kami papuntang Kart City. At ito ang mga sumunod na pangyayari:
Gabing masaya, busog at punung-puno ng awitan.
Ang mga awitan namin doon ay mas naging masaya at
interesante nang kinanta ni ate Sheryll – presidente ng HIPAC mula sa Bani,
Pangasinan – ang isang Ilocano Song. Dahil dito, nagkantahan kami ng mga awitin
na mula sa kanya-kanyang salita. Inawit ni kuya Azer, taga-PamPAC ang “Ati Cu
Pung Sing-sing” na ka-tono pala ng “Ako ay May Lobo”. Si kuya Ron kinanta ang
“Matudnila” at “Usahay”. Nag-Contribute din ako ng Tagalog Song – "Lumang
Simbahan". Yung Bicol Song na “Sarong Banggi” kinanta ko rin bagama’t may part
akong hindi kabisado ang Tono. Hehehe. Sinalo na lang ako ni ate Lu, Advicer ng
NUMYAFP. Kakantahin ko sana yung “Si Nanay si Tatay” na isang Bicol Song din
pero wala sa Song Book.
Si Ate Sheryll nag-request na kantahin yung MYAF Jingle na ka-Tono ng “Sa Langit Wala ang Beer”. Ito pala Lyrics para pwede mo ring kantahin:
dahil laging masaya.
Kaya’t habang nandito ka,
matutong magmahal at magsaya!
Sa MYAF walang VIP,
manager, doctor, attorney.
Sa MYAF walang KJ,
mahiyain hindi pwede.
Sa MYAF walang yosi,
palusot hindi pwede.
Sa MYAF walang Toma,
‘di pwede ang porma.
Sa MYAF sama-sama,
Walang kanya-kanya.
Natapos ang kasiyahan. Nakauwi kami ng pasado alas-dose.
Kinabukasan, lumipat kami ng venue. Sa Ecumenical Christian
College, Matatalahib campus. Sa Chapel kami nagsimula ng Devotion at nag-Call to
Order. Nag-appoint na lang ng mga Standing Committee at ako ang na-appoint sa
Resolution Committee.
Si kuya Omar ang unang nag-report na sinundan ng iba pang mga Annual Presidents. Sa ganitong oras, unti-unti na ring nagdaratingan ang iba pang mga delegates mula sa iba’t ibang probinsya kasama na sila kuya Matt, Diane, Jeremiah at Joshua.
Pinutol ang reporting ng mga pasado alas-onse. Tumulak kami papunta sa Ye Young para sa Outreach. Dinala namin doon ang aming pananghalian.
Habang binabagtas namin ang daan, biglang bumuhos ang
malakas na ulan kaya’t may bahagi sa aming daanan na hindi kaya ng mga
mabababang sasakyan. May check-point pa ang Military bago makarating sa Ye
Young. Dinaanan din namin yung Mt. Peniel Prayer Mountain.
Kina kuya Matt ako nakisakay. Pinarada na lang nya ang
kanyang sasakyan sa pagpasok ng Ye Young at nilakad na lang namin ang natitira
pang daan habang umaambon.
Mabuti na lang may mga bahagi na sementado na ang daan, lalo na yung paakyat. Kahit na sinasalubong kami ng tubig, hindi naman maputik. Pagdating lang namin sa itaas, wala ng semento ang daan kaya’t naki-raan na lang kami sa loob ng bakod ng mga taga-roon.
Nag-Service muna ng kaunti ang Ptr. bago namin pinamigay
yung mga Tsinelas at kaunting School Supplies sa mga bata.
Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong nakalimutan ko ang gutom. Lalo na kung ang katabi mo sa Service ay niluto ng mga taga-roon – Suman na kamoteng kahoy, Pichi-pichi, Maja Blanca, at Bico:
Matapos mamigay sa mga bata, pinakain rin namin sila ng mga dala-dala naming pagkain. Kaya’t nauna na kaming taga-BulPAC umalis para kumain sana sa SM. Katulad ng aming pagpunta, nakidaan ulit kami sa mga bakuran ng taga-roon.
Habang binabagtas namin ang daan papuntang SM Tarlac, may nadaanan kaming isang kainan na masarap daw sabi ni kuya Matt kaya’t hindi na kami tumuloy sa SM.
Nagpatuloy ang Council Meeting kinagabihan sa Ecumenical Christian College Matatalahib Campus. May ilang Annual Conference na pagkatapos mag-report ay umuwi na agad. May ilan din namang umuwi matapos ang hapunan. Nagrecess kami pagkatapos ng report ng mga Annual Conference.
Sa Tarlac UMC na kami naghapunan at sa Ecumenical Christian College Conference Room sa tabi ng Church na namin tinuloy ang pagpupulong.
Sa huling bahagi ng pagpupulong, ilang mahahalagang bagay ang pinag-usapan. Nakapagreport ang Lakbay at dito napagkasunduan na in excess sa tig-10pcs ng mga District, ang presyo ng isang Lakbay ay P50 kung magrerequest ang AC or District ng additional. Itinalaga rin dito na maging official treasurer ng Lakbay ang Production Manager matapos ma-approve ang aming request. Wala kasing humahawak ng pera ng Lakbay. Walang Accountable. Walang report. Pero ngayon, ubligado na kaming magreport sa financial status ng Lakbay. May point person na rin para sa kaperahan na papasok at lalabas sa Lakbay.
Nagkaroon ng Election para sa Witness Ministry Head. May
nag-Nominate sa Lakbay Editor-in-Chief na si Jemimah Crismo – Secretary ng
BulPAC – para maging Witness Ministry Head dahil ang Lakbay ay part ng Witness
Project. May nag-close sa Nomination. Tinanong ng Presider kung sinong favor na
maging Witness Ministry Head si Jemimah Crismo. Lahat halos ng Voting Delegate
ay nagtaas ng kamay. Itinalagang bagong Witness Ministry Head ng National
UMYAFP ExeCom si Jemimah Crismo.
Well, ang bilis ng pangyayari. Ng mga panahong ito ay
nakikipag-usap si Jemimah kay Bro. Mike. Kapag si Pres. Jek talaga ang presider dapat
alisto ka. Sa P50 na presyo nga ng Lakbay isa lang bumoto at lahat ay abstain
kaya’t nakalusot ang P50 na presyo ng isang Lakbay in excess sa 10 copies per
District.
Baka tinatanong mo kung saan kami natutulog. Parang C.I.
lang din ng kabataan. Pero this time hindi na kami nagdadala ng beddings.
Malong na lang. May ilang pagkakataon na sa bahay ng malapit na member kami
pinapatulog. May pagkakataon pa na sa guest room sa bahay ng kapitan ng Barangay kami
natutulog. May panahon na sa sariling kwarto ng member kami pinatulog then ang
may-ari ng bahay ay sa sala natutulog. Sa NCM na ito, sa Aircon na room kami
pinatulog:
Kinabukasan, sa first service kami um-attend at dun ko rin
binasa ang Resolution of Thanks.
Hindi kami agad umuwi. Hinintay na namin si Bro. Mike na
nag-extend sa pagtulog. Nag-ikut-ikot kami ng bahagya sa Palengke ng Tarlac.
Naghahanap kami ng mga souvenir shop pero wala kaming nakita. Ref Magnet sana
bibilhin ko pero wala. Bigo.
May nakita kaming naiibang miryenda: Rice Cake at Duman.
May nakita kaming naiibang miryenda: Rice Cake at Duman.
Sarap nito kasabay ng mainit na kapeng barako. Kaya bumili
ako sa 711 na malapit sa Church. Sarap magmiryenda. Tamang tama umuulan pa sa labas.
Alas-quatro na ng hapon ng matapos kami mag-miryenda at
tumulak papunta sa SM Tarlac. Isang ikot pa para sa pwedeng pasalubong. Wala
talaga. Gusto ko sanang magbigay ng pasalubong sayo eh. Hehe.
Bumili na lang ako ng maliit ng T-Shirt. Yung pang-display lang na idinirikit sa salamin. Walang "I Love Tarlac" na nakalagay. "Pilipinas" lang. Naisip ko na ako na lang maglalagay. Hihihi. May kaunting revision lang sa “I Love Tarlac”. Hehehe. May kwento pa sa pagbili ko nun. Yung tindera kasi tinanong ko kung anong maganda. Sabi sa akin “Yung kulay Gray at ako.” Hahahahahaha! Tawa ako ng tawa. Nakita ko namumula yung pisngi nung tindera. Dun na natapos ang araw namin sa Tarlac. Sa SM North kaming taga-BulPAC bumaba. Si Bro. Mike sa Kamias.
Sana sa 2nd Council Meeting at sa mga susunod pa makasama ka. Last weekend ng January ang sunod, January 25 to 27, 2019. Sa Iloilo ang first option. Cebu at Aklan ang 2nd at 3rd option. Ang schedule naman ng Council Meeting ay palaging last weekend ng January at August.
Masaya ‘to. Pero mas masaya sana kung kasama ka.
Boyong
Boyong
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento