Mga Pahina

Biyernes, Setyembre 18, 2015

Repost: Ano Magagawa ng Musika

Last September 22, 2005, may article ako sa fs blog ko:



Ngayon, halos sampung taon na ang nakakaraan, UMYAF na ako. Sa Article na iyan ako nanalo ng Stainless Longganisa ni Bob Ong nung pinost ko ito sa bobongpinoy groups namin dati sa yahoo.

Ito yung Article:

Current Article

Ano ang magagawa ng musika?

Kaya ka nitong kontrolin: isang magandang halimbawa nito ay ikaw. Hindi mo lang siguro napapansin… minsan nakatambay ka… nang biglang… Jang-jang-jang-jang-jang… may nagpatugtog ng malakas…di mo napapansin na niyuyugyog mo na pala ang ulo mo… tapos yung mga paa mo ay sumasabay na sa beat ng tugtog… kaya nga di na siguro nakakapagtaka kung minsan eh may nagpapakamatay matapos makarinig ng awitin… syempre kaya mo itong maiwasan…
Kaya nitong mabago ang mood mo: Plsss… plss… plss… pls… plss… WAG MAKINIG NG LOVE SONG KUNG HEART BROKEN KA! siguradong kung masaya ka at tumatawa, eh… ahemn… iiyak ka… lalo na yung mga emosyonal na nilalang… kaya dapat ang mga pinakikinggan mo ay yung mga tipong awitin na magbibigay sa’yo ng Pag-asa kagaya ng: "Kaya mo yan!!!" o kaya’y "theres a rainbow always after the rain…" yan… diba… kung ganito ang situwasyon mo, i highly recomend you to listen to a Christian Music… all Christian Music gives hope… not only for today… but FOREVER…
Kaya nitong magpatalino: sabi nila ay nagpapatalino daw sa bata o sa baby kung ang ipatutugtog mo sa kanya ay mga composisyon ng mga classical Musician kagaya na lang ng kay Beethoven at kay Mozart. kaya pala maraming scientist at mathematician na sumusulpot nung araw… wala akong alam kung saan nila nakuha ang konseptong ito… pero naisip ko na kung makinig na nito at di ka mag-aaral mabuti ay wala rin itong kwenta… pero wag ka ha, ang mga classical music ay nagbibigay ng peace of mind sa mga nakikinig nito… at iba ang epekto nito…
Kaya nitong magpalayas ng Bad Spirit: isang magandang halimbawa ay nang gamitin ito ng mga tauhan ni Saul sa tuwing sya ay sinisumpong at pinaliligiran ng masamang espiritu… kinuha nila si David, na noo’y di pa hari, bilang manunugtog. "23Whenever the spirit from God came upon Saul, David would take his harp and play. Then relief would come to Saul; he would feel better, and the evil spirit would leave him." 1 Samuel 16:23 (New International Version)
Kaya nitong tawagin ang Banal na Espiritu: katulad ng ginawa ni Eliseo bago sya mag-propheciesed ""15 But now bring me a harpist."
      While the harpist was playing, the hand of the LORD came upon Elisha…" 2 Kings 3:15 (New International Version)

Kaya din nitong yanigin ang lupa: isang halimbawa nito ay nang minsang nakulong sina Pablo at Silas habang nagbabahagi ng mabuting balita… habang nasa loob sila ng piitan sila ay umaawit ng Imno at pagpupuri sa Diyos… at mayamaya pa’y… "25About midnight Paul and Silas were praying and singing hymns to God, and the other prisoners were listening to them. 26Suddenly there was such a violent earthquake that the foundations of the prison were shaken. At once all the prison doors flew open, and everybody’s chains came loose."Acts 16:25-26 (New International Version)
Kaya nitong mapapurihan ang Diyos: sa ating pananambahan hindi nawawala ang awitan dahil ito ay nagbibigay ng saya sa ating Diyos… kahit sa matandang tipan, sa teplo ng Diyos na buhay ay di nawawala ang manunugtog dahil ito ang nais ng Panginoon… kahit sa Langit… ang kaharian ng Diyos… ang apat na Nilalang na Buhay ay umaawit ng papuri sa Diyos gabi at araw…
"8Each of the four living creatures had six wings and was covered with eyes all around, even under his wings. Day and night they never stop saying: "Holy, holy, holy is the Lord God Almighty, who was, and is, and is to come.""Revelation 4:8 (New International Version)

Purihin S’ya…

Psalm 150 (New International Version)

    1 Praise the LORD. [a]
       Praise God in his sanctuary;
       praise him in his mighty heavens.
    2 Praise him for his acts of power;
       praise him for his surpassing greatness.
    3 Praise him with the sounding of the trumpet,
       praise him with the harp and lyre,
    4 praise him with tambourine and dancing,
       praise him with the strings and flute,
    5 praise him with the clash of cymbals,
       praise him with resounding cymbals.
    6 Let everything that has breath praise the LORD.
       Praise the LORD.
Footnotes:
  1. Psalm 150:1 Hebrew Hallelu Yah ; also in verse 6
Mga nagagawa ng Musika, kaya lang hindi pa kumpirmado:
  • Nagpapa ulan: habang may kumakanta ang karaniwang biro ay "ang ganda ganda ng panahon, baka umulan" o "umaambon na"
  • Bumabasag ng salamin: minsan nakapanood ako ng pelikula… habang kumakanta o nag-pi-pitch yung babae eh bigla na lang nababasag yung mga salaming kagamitan nila sa bahay. kagaya ng vase, bote, salamin, at iba pa…
marami pang magagawa ang musika.. kapag may nabasa, narinig, o naranasan ako, susubukan kong idagdag… nawa eh nadagdagan ang kalaman nyo… God Bless!!!!!!!!

Martes, Setyembre 15, 2015

Ang Alamat ng Pabebe Wave

Noong una, simple lang ang kasiyahan ng mga tao noon - kwentuhan, pasyal, kain, sulat, teatro, libro, komiks, sine, radyo, TV, telepono...

Nauso ang Computer dahil kinailangang bumilis ang buhay ng tao.

Dumating ang internet. Isang medium na kung saan ka makakakuha ng mga impormasyon na iniimbak ng mga tao. Ito'y hindi lang bintana na durungawan, kundi pinto na mapapasukan.

Nauso ang Cellphone - paliitan. Hanggang sa nauso ang Smartphone - pinagsama ang Cellphone, Computer at Camera.

Sa isang bahagi nito, may isang bata na kumuha ng kanyang Video habang nag-hihintay sa isang Mall sa Cavite. Siguro nainip sya sa paghihintay. Kasama nya sa mga oras na ito ay dalawang bagay - Mamon at Smartphone. Upang mapatid ang inip, nakipaglaro sya sa dalawang bagay na ito. Presto! Napanood ng marami ang "Ang Babaeng Mamon."

Hindi naman natin ang ma-pi-please ang lahat. Malamang halo ang reaksyon ng lahat ng nakapanood. Marami ang nairita sa paraan nya ng pagsasalita. Maraming hindi magandang comment at may mga nag-effort pang gumawa ng mga Video para sagutin ang kanyang paraan ng pagkain ng Mamon. Haters and Bashers. Pinag-usapan at lumaganap. Maraming gumaya ay may mga gumawa ng Parody. Dahil dito, naging instant internet Celebrity ang bata. Hindi nya alam na gumawa sya ng "Character" sa internet nang maging viral ang video na ito at nakilala sya bilang "Pabebe Girl."

Bago. Unique.

Mahilig ang pinoy kumampi sa dehado kaya't may mga nagmamalasakit naman at nagtanggol sa kanya. Dito nakilala ang "Pabebe Warrior." Matapang na Pabebe Girls - wala silang pake at hindi natin sila mapipigilan. Panibagong "Character." Unique. Mas sumikat sila at nagkaroon ng mas maraming exposure kaysa kay Pabebe Girl. Nang lumaon dumami ang Pabebe Girls at naging Pabebe Queen ang una (Wala pa rin talagang makakatalo sa Orig at nauna. Privilege ng unique). Mas marami ang Parody lalo na sa Show Business kaya't hindi talaga natin napigilan ang pagsikat nila. [1]

Kasabay halos ng pagsikat ng mga batang ito ang paglaganap ng App na "Dubsmash." Ginamit ito ng mga tao upang gayahin ang mga Pabebe Warrior. Sumikat sa Dubsmash si Nicomaine Mendoza na kinuha ng Eat Bulaga upang maging Dabarkads at maging bahagi ng mga nagpapasaya sa manonood tuwing tanghali.

Bahagi ng kanyang regular na dina-Dubsmash bilang si Yaya Dub ay ang "Pabebe Girls" ng mga Pabebe Warriors kasama si Lola NiDora na ginagampanan ni Wally Bayola. Hanggang noong July 16, habang nagda-Dubsmash sya, na-conscious sya at kinilig kay Alden Richard nang makita nya itong nanonood sa kanya sa studio. Inasar ito ng mga Host na tinawag na "Pabebe." Kumaway si Alden. Kumaway din si Maine ng hindi pangkaraniwang kaway - kamay na nasa elevation ng leeg, nakapwesto malapit sa baba, dikitdikit ang daliri at kumakaway ng maiksi at papigil - na tinawag ng mga Host na "Pabebe." Noong araw na iyon, pinanganak at nagsimula ang "Pabebe Wave" at ang "AlDub."

Bagong Character. Unique. Phenomenal. Mas sumikat.

Author in his own version of Pabebe Wave

Linggo, Agosto 16, 2015

Kabataang May Sapat na Gulang

Ang sabi sa mga Awit 90:10, ang karaniwang buhay daw ng tao ay pitumpu o walumpu kung malakas.  Kung ang edad mo ay dalawampu't tatlo hanggang apatnapu, nasa kalagitnaan ka na ng karaniwang buhay ng tao at ang mga panahong ito ay panahon ng pagiging kabataang may sapat na gulang. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng mga tao sa ganitong edad at bakit hindi natin sila karaniwang nakikita na may ministry sa simbahan? Paano natin dapat ubusin ang oras natin sa mga ganitong panahon?

Ang panahon ng pagiging kabataan ay panahon ng pag-aaral at panimula ng mga iba't ibang pagbabago sa buhay. Nariyan ang panahon ng "Puberty" o pagbibinata at pagdadalaga. Panahon ng pag-aaral mula mataas na paaralan hanggang sa pagtungtong sa Pamantasan upang kumuha ng karera. Ito ang panahon na inihahanda natin ang ating sarili para sa totoong buhay. Naglalatag ng pundasyon para sa itatayong bahay. Sa mga panahong ito karaniwan tayong kumikilala sa kapaligiran at sa mundong ating ginagalawan at ang ating kaisipan ay hinahasa sa mga katotohanan na ating naririnig o nilalason ng mga kasinungalingang ating niyayakap. Ang ating pagtanaw sa buhay ay ating inaayos hanggang sa masumpungan nito ang nais nitong puntahan. Kasiyahan ang pinipili ng iba at ang iba ay ang mahirap na daan. Naalala ko bigla yung sinabi ni Bob Ong sa MacArthur, "Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung hindi mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit." [Bob Ong (2007, April). Mac Arthur. Pasay City: Visual Print Enterprises, p. 86]

Matapos ang panahon ng kabataan, totoong buhay na. May sariling pananaw sa buhay, patutunguhan, paniniwala, at kinahihiligan. Matigas na ang buto nito. Tapos na ang panahon ng pamalo at paggabay ng magulang dahil may sarili ka nang isip at pinagkakakitaan. Ikaw na ang nagmamaneho ng daan at mayroon ka nang pupuntahan. Panahon ng pag-aasawa at lalagay ng mga poste sa ibabaw ng pundasyon na iyong nilatag. Ginagawa na ang gusali kung saan ka makikita ng mga tao. Abala sa paggawa para maging maayos ang gusali at hindi mapulaan ng sinumang makakita. Para hindi mahuli sa pagtatayo.

Ang sabi nga ni Walter Pitkin, "Life Begins at Forty." Sa mga ganitong panahon, tapos na ang itinatayong buhay at sa isang direksyon ka na lang tumutungo. Natapos na ang paghahanda at kinaaaliwan na lang ang buhay.

Ang Panginoong Jesus nung nagsimulang mangaral ay nasa panahon ng pagiging kabataang may sapat na gulang (Lukas 3:23). Sa panahon na ang ibang ka-edad nya ay abala sa patatayo ng maayos na buhay, ang Panginoong Jesus ay abala sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Ang ibang ka-edaran nya ay abala sa kamunduhan, sya naman ay abala sa mga bagay na patungkol sa Espiritu. Alam nya ang dapat unahin. Alam nya ang kanyang katapusan. Pinili nya ang dapat unahin. Inisip nya ang iba at hindi ang kanyang sarili.

Ano nga ba ang dapat pangunahin sa buhay? Saan ka ba papunta? Kung ang Panginoong Jesus ang iyong sinusundan sa paglalakad, alam mo kung ano ang sagot dito.

Sabi sa talinhaga ng Panginoong Jesus, kapag nakita mo sa isang lupain ang isang kayamanan, lahat ng kayamanan mo ay iyong ipagbibili upang bilhin ang lupa kung saan naroon ang mas malaking kayamanan. Upang makuha ang mas malaking kayamanan, handa kang talikuran kung ano ang mayroon ka sa ngayon. Ganyang ang katulad ng Kaharian ng Diyos.

Bilang kabataang may sapat na gulang at kumikilala sa Diyos, saan tayo dapat abala? Sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa ating buhay. Alalahanin natin ang Diyos sa panahong mayroon tayong kakayanan at lakas. Hindi natin alam kung hanggang saan tayo aabutan ng pagdating ng magnanakaw. Nakakatakot abutan ng Panginoon na hindi Nya kalooban ang ating ginagawa.

Miyerkules, Pebrero 11, 2015

Epic Fail 2

Sa loob ng van, sa bandang likod kung saan nakaupong magkakaharap ang mga pasahero, may matandang masalita bagamat walang kausap.

"Palagi nang traffic dito kapag hapon, ginagawa itong tollgate eh. Taga riyan lang ako sa St. Michael at palagi ako rito kaya napansin kong traffic na rito nung ginawa iyan. Taga riyan lang ako eh. Dyan lang, sa likod lang ng building na iyan. Traffic na talaga rito. Dami na rin siguro kasing tao rito. Matagal na kaming nakatira rito eh. Dyan sa St. Michael lang."

Natigil sya sa pagsasalita nang magtanong ang kulektor ng bayad. "Meron pong Bocaue?" Tahimik ang lahat. Inulit ng kulektor ang tanong. "Meron pong bababa sa Bocaue?" Hinihintay nya ang sagot ng mga tao ngunit walang tumutugon.

"Wala sigurong Bocaue, walang sumasagot eh. Wala sigurong Bocaue." Sabi ng masalitang matandang babae.

Sa huling pagkakataon, nagtanong ulit ang kulekto, "Walang Bocaue? Walang Bocaue?" Paniniguro ng mama.

"Wala sigurong Bocaue ano? Walang Bocaue? Walang sumasagot eh." Anang matanda.

Hindi ko na napigil ang aking sarili sa mga paulit-ulit na naririnig ko. Pumutok na ako. Mula sa pagkakapikit, dinilat ko ang mga mata at seryosong binitawan ko ang mga salitang ito sa matandang babae: "Meron pong Bocaue. Nandun po." Sabay turo sa hilaga.

"Ha? Meron? Walang sumasagot eh. Saan?"

"Doon po."

Sinulyapan ako ng babaeng nasa harap ko. Seryoso.

Pinakiramdaman ko ang mga tao sa paligid. Tahimik ang lahat.

Ang matandang ale ay bahagyang nag-isip pero ibinulalas pa rin na, "Wala naman. Walang sumasagot eh."

Tahimik at seryoso ang lahat. Parang gusto kong isigaw na, "JOKE PO IYON!! NGAYON NA ANG PANAHON NA TATAWA KAYO!!!"

Ngunit matapos magmasid ng aking paningin, walang tumawa. Sa tingin ko "Ang biro ay nasa akin."

Pumikit na lang ako para di ko na madama ang "Biro" na nasa akin.

Tahimik ang lahat.

 Tahimik.

Biyernes, Disyembre 19, 2014

Epic Fail 1

Normal sa tao ang magkamali dahil sa limitadong kaalaman at kakayahan mayroon ang bawat isa. Minsan naman, dahil sa iba't ibang kaganapan o pagkakataon, naiiba ang mga katotohanang nakatanim sa ating isipan na alam na alam nating totoo. Ito at iba pa ang nagiging limitasyon ng tao kaya nagkakamali ng husga sa mga bagay bagay.

Minsan, isang patay na hapon, abala sa pakikipag-usap ang pinsan ko sa kanyang kapatid na nasa probinsya. Tumipa ako ng kaunti sa guitara. Matagal ko na palang 'di ito natitipa kaya nawawala na ako. Napaka-ganda. Pinagmalaki ko ito sa pinsan ko. Sabi ko, nakaka-in-love ang kanta lalo na ang original.

"Talaga po... waw!" sabi ng pinsan ko habang nakasalampak sa sofa at patuloy ang pag-ti-text.

"Ito ang original." Sabay hanap sa Youtube ng Shrek Theme Song. Ayun, "It Is You". Play!

"Waw... ang ganda nga po ng kanta..." Habang patuloy pa rin ang pagti-text. Tuktuktuktuk.

"Teka, bakit walang lyrics. Mali mali mali... teka lang nandito lang yun eh." Sabi ko sa kanya. Ayun, may nakita ulit ako. Play. Loading...

"Pero maganda po...". Itinuon nya ang kanyang mukha sa makapangyarihang cellphone na may youtube upang abangan ang nag-lo-loading na video.

"Ayun..." play! Maya maya, "teka, iba boses ah.. ang gara, hindi yan yung orig. Kaya pala, 'Cover lang'" hanap hanap ulit sa Youtube.

"Ang galing ng boses..." ang sabi nya habang hinintay ang kanta.

"Oo, pero 'di pa iyan ang original." Ang tindi, puro Cover nakikita ko. Wala na bang yung kay Dana Glover?

Ayun. Shrek Theme Song. It is you. Play. Binaba ko ulit ang makapangyarihang cellphone na may youtube para ipakita sa kanya. Itinuon naman nya ang kanyang mukha sa video.

Talaga nga naman. Puro tugtog lang at yung lyrics nasa video lang. Videoke pala. Itinuloy nya na ang pag-ti-text at pagsalampak sa sofa. Wala wala... mukhang napapanis na ang napakagandang kanta na ipinagmamalaki ko sa kanya. Hanap hanap hanap, ngunit walang tagumpay sa Youtube. Puro Cover at minus 1. Text na sya ng text. Ngunit hindi ako susuko. Mp3 na lang hinanap ko, matuloy lang. Hahahaha. Natatawa na lang ako eh.

Epic Fail. Ginagawa na lang nating katatawanan ang mga pagkakamaling hindi nakakatawa dahil wala tayong mapapala kundi tanggapin ang mga ito sa halip na balik balikan ngunit hindi mapapalitan ang mga nagdaan.

Kung tutuusin, hindi naman malubha yun. Pero, dangal ko ang nakataya. Hahaha. Wala akong magagawa kundi ang tumawa. Yun na lang siguro ang pinakamainam na gawin sa halip na umiyak at magmukmok. Gamot ang tawa, sakit ang luha. Pagkatapos kong tumawa, ngayon alam ko na. Mahirap hanapin ang original na Theme Song ng Shrek sa youtube lalo kapag makapangyarihang lang ang cellphone gamit mo at hindi desktop or laptop.

Pagkatapos ng lahat, umupo ako sa trono at isinulat ang mga ito.

Martes, Nobyembre 11, 2014

Nasaan si Hustisya?

Nakita nyo ba sya? Babaeng nakahubad, may piring ang mata at may hawak na timbangan. Naghubad sya upang makita ng lahat ang katawan nya at walang maitago. Nagpiring sya upang hindi nya makita ang mga tinitimbang nya. Matagal na syang nawawala eh. Hindi ko alam kung patay na, nakakulong, nabaliw, ginahasa, ninakawan, binaril, tinaga, inagos ng baha, nalalag sa eroplano, nalunod sa dagat, namatay sa gutom, nakursunadahan, nabihag, o nilason. Hindi tiyak eh. Hindi ko rin makita yung lapida nya kung sakaling patay na sya. Hindi pa rin naman nakikita yung bangkay nya. Hindi ko rin matiyak kung nagtatago ba sya o tinatago. Hindi ko alam kung nagpapanggap o may pinagtataguan. Hindi ko alam eh. Nung una naman nakatayo lang sya sa gitna ng halamanan. Nasaan na kaya yun?

Minsan si Propeta Jeremias tinanong ang Diyos kung nasaan si Hustisya, ang sabi ng Diyos kay Jeremias, “Kung ikaw ay napapagod sa takbuhan ng mga tao, paano ka mananalo sa takbuhan ng kabayo? Kung hindi ka makatayo sa patag na lugar, paano ka makatatayo sa kagubatan ng Jordan?” (Jer.12:5)

Ngayon, nasaan si Hustisya? Maraming naghahanap kasi sa kanya. Alam ko kamag-anak nya si Pag-ibig eh. Hindi ko lang sigurado kung kapatid. Marami silang magkakamag-anak eh, hindi ko na lang iisa-isahin, baka may makalimutan ako. Ang nanay yata ni Hustisya si Katotohanan at anak nya si Batas. Sila kasi madalas ang hinahanap kapag nagtitimbang si Hustisya. Ang masama, maraming nagpapanggap na Katotohanan at minsan, hinihilo si Batas. Madalas nga may Batas na hindi anak ni Hustisya. Teka, nasaan na rin ba si Katotohanan? Ayun! Nandito pa. Pero bakit ang daming kampon ni Sinungaling? Ingat kayo riyan marami nang naloko yan. Nga pala, kung hindi anak ni Hustisya ang Batas, anak yan ni Sinungaling. Kaya ayun siguro, si Hustisya hindi na natin makita. Ewan ko lang ah. Iniisip ko tuloy na hindi kaya nagtago na lang si Hustisya dahil hindi nya rin magagawa ang trabaho nya ng tama dahil sa mga anak ni Sinungaling? Hindi kaya? Parang malungkot yun ah.

Nakita mo ba si Hustisya? Mapalad ka kung kasama mo sya. Marami kasing naghahanap sa kanya eh. Pakituro naman sa mga naghahanap kung saan mo sya nakita.

Paki-usap.


Salamat!

Lunes, Setyembre 15, 2014

Ang Aklat ng Esther

Note: Bago basahin ang akdang ito, hinihiling ko na tapusin mo munang basahin ang pag-uusapang aklat sa Biblia. Ito ay matatagpuan sa Lumang Tipan. Pinakahuling librong pangkasaysayan. Nasa pagitan ng aklat ni Nehemias at Job.

Isang napakatingding hatol ang nakaamba sa mga Hudyo na nasa Imperyo ng Persya – Kamatayan. Ito ay matapos hilingin ni Haman na papatayin silang lahat dahil kakaiba ang kanilang paniniwala. Nag-ugat ito sa hindi pagyuko ni Mardoquio bilang isang Hudyo sa kanya. Pinagbigyan ito ng Hari dahil masasamsam nila ang kayanaman ng mga Hudyong mapapatay. Nagpalabas sa kaharian ng isang utos para rito na may selyo ng hari at hindi kailanman mababali. Nang malaman ng Hari na Hudyo si Esther – ang kanyang Reynang kinalulugdan – galit na galit ito kay Haman. Pinabitay siya sa bitayang pinagawa nya para sana kay Mardoquio.

Gayunpaman, hindi maaaring bawiin ang pinawalang utos ng hari kahit patay na ang pasimuno nito. Ang hari mismo ay walang kapangyarihan upang bawiin ang nauna nyang ipinalabas na utos. Dahil dito, nagpalabas ng panibagong kautusan ang hari – maaaring magsamasama ang mga Hudyo sa mga bayan at ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Sa ganitong paraan nailigtas ang mga Hudyo sa kamatayan ng hindi sinisira ang naunang kautusan.

Ito ang isa sa pinakamagandang paraan kung paano ipaliwanag ang pagkakaligtas ng Diyos sa Tao. Isang bagay ang totoo – lahat ng tao may kasalanan (Roma 3:23) at walang nakalulugod sa Diyos (Awit 53:2-3). Walang nakasunod ng kautusan kaya’t nakaamba rin sa atin ang kamatayan (Roma 5:12). Naghihintay na lang ng tamang araw kung kailan ang ibibigay ang hatol (Isaiah 13:9). Nakatakda ang kautusan at alin man sa mga ito ay hindi mawawalan ng bisa (Mateo 5:18). Sa madaling salita, sa ating sariling kalagayan, walang pag-asang mabuhay ang tao o makaligtas (Mateo 19:25; Roma 7:24). Anong sabi ng Panginoong Hesus? “Ang hindi magagawa ng Tao ay magagawa ng Diyos.” Mark 10:27

Tulad ng kalagayan ng mga Hudyo sa kwento ng Esther ang kalagayan ng lahat ng tao. Walang pag-asa dahil sa nakatitik na kautusan. Wala ring sinumang maaaring makapagbali ng mga kautusang ito maliban sa parehong kapangyarihan.

Isang dakilang pag-ibig ang kailangan sa lagay ng tao upang maligtas. Maaari tayong hindi pansinin ng Diyos sa ating kalagayan dahil nakatakda na ang kaparusahan. Ngunit pinili ng Diyos na iligtas tayo dahil  sa dakilang pag-ibig Nya sa atin (Juan 3:16). Hindi tayo makalalapit sa Diyos ng tayo lang (Parang si Esther na hindi makalalapit sa harap ng Hari). Kinailangan ng isang taong kinalulugdan upang may makalapit sa harap ng Diyos at hindi mamatay (Tulad ni Esther sa harap ng Hari). Ngunit walang kalugudlugod sa Diyos, kahit mga Pari na dapat malinis sa nagsusunog ng alay (Hosea 4:6). Sino lang? Ang Panginoong Hesus lang! (Luke 3:22) Sa paanong paraan? Sa pamamagitan ng pagsunod ng Panginoon sa kautusan (Mateo 5:17) – hanggang sa kamatayan sa krus (Filipos 2:8). Anong kautusan ang kanyang ginawa para sa ikalilinis ng tao? Ang pagbubo ng dugo (Leviticus 16:15-16;17:11) – ng kanyang sariling Dugo para sa kasalanan ng maraming tao (Hebreo 9:13-14;28).

Sa pamamagitan ng paraang ginawa ng Diyos, naligtas ang tao. Sa pamamagitan ng Kautusan, nakaamba ang kahatulan ng kamatayan sa tao, ngunit ang “hindi kayang gawin ng tao ay kaya ng Diyos”. Bagamat tayo ang may kasalanan, Sya ang gumawa ng paraan upang tayo ay magkaroon ng kaligtasan. Pag-ibig.
Ito ang kasaysayan ng pagkakaligtas sa mga Hudyo sa Aklat ng Esther. Basahin natin ang buong aklat ng Salita ng Diyos ng may panalangin at malalaman natin ang kasaysayan ng pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa atin. Nakakatuwang isipin na ika-12 buwan ng ika-14 at 15 araw ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagliligtas sa kanila ng Diyos mula sa kapahamakan. Tayo namang mga Kristiano, ipinagdiriwang natin ang pag-ibig ng Diyos at pagtupad ng kanyang pangako ng ika-25 araw ng ika-12 buwan ng taon (na sa ating mga Filipino ay sinisimulan tuwing ika-16 ng ika-12 buwan).


Ano ngayon ang ibig ng Diyos sa tao? Pag-ibig (Hosea 6:6).