Ang sabi sa mga Awit 90:10, ang karaniwang buhay daw ng tao ay pitumpu o walumpu kung malakas. Kung ang edad mo ay dalawampu't tatlo hanggang apatnapu, nasa kalagitnaan ka na ng karaniwang buhay ng tao at ang mga panahong ito ay panahon ng pagiging kabataang may sapat na gulang. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng mga tao sa ganitong edad at bakit hindi natin sila karaniwang nakikita na may ministry sa simbahan? Paano natin dapat ubusin ang oras natin sa mga ganitong panahon?
Ang panahon ng pagiging kabataan ay panahon ng pag-aaral at panimula ng mga iba't ibang pagbabago sa buhay. Nariyan ang panahon ng "Puberty" o pagbibinata at pagdadalaga. Panahon ng pag-aaral mula mataas na paaralan hanggang sa pagtungtong sa Pamantasan upang kumuha ng karera. Ito ang panahon na inihahanda natin ang ating sarili para sa totoong buhay. Naglalatag ng pundasyon para sa itatayong bahay. Sa mga panahong ito karaniwan tayong kumikilala sa kapaligiran at sa mundong ating ginagalawan at ang ating kaisipan ay hinahasa sa mga katotohanan na ating naririnig o nilalason ng mga kasinungalingang ating niyayakap. Ang ating pagtanaw sa buhay ay ating inaayos hanggang sa masumpungan nito ang nais nitong puntahan. Kasiyahan ang pinipili ng iba at ang iba ay ang mahirap na daan. Naalala ko bigla yung sinabi ni Bob Ong sa MacArthur, "Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung hindi mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit." [Bob Ong (2007, April). Mac Arthur. Pasay City: Visual Print Enterprises, p. 86]
Matapos ang panahon ng kabataan, totoong buhay na. May sariling pananaw sa buhay, patutunguhan, paniniwala, at kinahihiligan. Matigas na ang buto nito. Tapos na ang panahon ng pamalo at paggabay ng magulang dahil may sarili ka nang isip at pinagkakakitaan. Ikaw na ang nagmamaneho ng daan at mayroon ka nang pupuntahan. Panahon ng pag-aasawa at lalagay ng mga poste sa ibabaw ng pundasyon na iyong nilatag. Ginagawa na ang gusali kung saan ka makikita ng mga tao. Abala sa paggawa para maging maayos ang gusali at hindi mapulaan ng sinumang makakita. Para hindi mahuli sa pagtatayo.
Ang sabi nga ni Walter Pitkin, "Life Begins at Forty." Sa mga ganitong panahon, tapos na ang itinatayong buhay at sa isang direksyon ka na lang tumutungo. Natapos na ang paghahanda at kinaaaliwan na lang ang buhay.
Ang Panginoong Jesus nung nagsimulang mangaral ay nasa panahon ng pagiging kabataang may sapat na gulang (Lukas 3:23). Sa panahon na ang ibang ka-edad nya ay abala sa patatayo ng maayos na buhay, ang Panginoong Jesus ay abala sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Ang ibang ka-edaran nya ay abala sa kamunduhan, sya naman ay abala sa mga bagay na patungkol sa Espiritu. Alam nya ang dapat unahin. Alam nya ang kanyang katapusan. Pinili nya ang dapat unahin. Inisip nya ang iba at hindi ang kanyang sarili.
Ano nga ba ang dapat pangunahin sa buhay? Saan ka ba papunta? Kung ang Panginoong Jesus ang iyong sinusundan sa paglalakad, alam mo kung ano ang sagot dito.
Sabi sa talinhaga ng Panginoong Jesus, kapag nakita mo sa isang lupain ang isang kayamanan, lahat ng kayamanan mo ay iyong ipagbibili upang bilhin ang lupa kung saan naroon ang mas malaking kayamanan. Upang makuha ang mas malaking kayamanan, handa kang talikuran kung ano ang mayroon ka sa ngayon. Ganyang ang katulad ng Kaharian ng Diyos.
Bilang kabataang may sapat na gulang at kumikilala sa Diyos, saan tayo dapat abala? Sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa ating buhay. Alalahanin natin ang Diyos sa panahong mayroon tayong kakayanan at lakas. Hindi natin alam kung hanggang saan tayo aabutan ng pagdating ng magnanakaw. Nakakatakot abutan ng Panginoon na hindi Nya kalooban ang ating ginagawa.
Linggo, Agosto 16, 2015
Miyerkules, Pebrero 11, 2015
Epic Fail 2
Sa loob ng van, sa bandang likod kung saan nakaupong magkakaharap ang mga pasahero, may matandang masalita bagamat walang kausap.
"Palagi nang traffic dito kapag hapon, ginagawa itong tollgate eh. Taga riyan lang ako sa St. Michael at palagi ako rito kaya napansin kong traffic na rito nung ginawa iyan. Taga riyan lang ako eh. Dyan lang, sa likod lang ng building na iyan. Traffic na talaga rito. Dami na rin siguro kasing tao rito. Matagal na kaming nakatira rito eh. Dyan sa St. Michael lang."
Natigil sya sa pagsasalita nang magtanong ang kulektor ng bayad. "Meron pong Bocaue?" Tahimik ang lahat. Inulit ng kulektor ang tanong. "Meron pong bababa sa Bocaue?" Hinihintay nya ang sagot ng mga tao ngunit walang tumutugon.
"Wala sigurong Bocaue, walang sumasagot eh. Wala sigurong Bocaue." Sabi ng masalitang matandang babae.
Sa huling pagkakataon, nagtanong ulit ang kulekto, "Walang Bocaue? Walang Bocaue?" Paniniguro ng mama.
"Wala sigurong Bocaue ano? Walang Bocaue? Walang sumasagot eh." Anang matanda.
Hindi ko na napigil ang aking sarili sa mga paulit-ulit na naririnig ko. Pumutok na ako. Mula sa pagkakapikit, dinilat ko ang mga mata at seryosong binitawan ko ang mga salitang ito sa matandang babae: "Meron pong Bocaue. Nandun po." Sabay turo sa hilaga.
"Ha? Meron? Walang sumasagot eh. Saan?"
"Doon po."
Sinulyapan ako ng babaeng nasa harap ko. Seryoso.
Pinakiramdaman ko ang mga tao sa paligid. Tahimik ang lahat.
Ang matandang ale ay bahagyang nag-isip pero ibinulalas pa rin na, "Wala naman. Walang sumasagot eh."
Tahimik at seryoso ang lahat. Parang gusto kong isigaw na, "JOKE PO IYON!! NGAYON NA ANG PANAHON NA TATAWA KAYO!!!"
Ngunit matapos magmasid ng aking paningin, walang tumawa. Sa tingin ko "Ang biro ay nasa akin."
Pumikit na lang ako para di ko na madama ang "Biro" na nasa akin.
Tahimik ang lahat.
Tahimik.

Biyernes, Disyembre 19, 2014
Epic Fail 1
Normal sa tao ang magkamali dahil sa limitadong kaalaman at kakayahan mayroon ang bawat isa. Minsan naman, dahil sa iba't ibang kaganapan o pagkakataon, naiiba ang mga katotohanang nakatanim sa ating isipan na alam na alam nating totoo. Ito at iba pa ang nagiging limitasyon ng tao kaya nagkakamali ng husga sa mga bagay bagay.
Minsan, isang patay na hapon, abala sa pakikipag-usap ang pinsan ko sa kanyang kapatid na nasa probinsya. Tumipa ako ng kaunti sa guitara. Matagal ko na palang 'di ito natitipa kaya nawawala na ako. Napaka-ganda. Pinagmalaki ko ito sa pinsan ko. Sabi ko, nakaka-in-love ang kanta lalo na ang original.
"Talaga po... waw!" sabi ng pinsan ko habang nakasalampak sa sofa at patuloy ang pag-ti-text.
"Ito ang original." Sabay hanap sa Youtube ng Shrek Theme Song. Ayun, "It Is You". Play!
"Waw... ang ganda nga po ng kanta..." Habang patuloy pa rin ang pagti-text. Tuktuktuktuk.
"Teka, bakit walang lyrics. Mali mali mali... teka lang nandito lang yun eh." Sabi ko sa kanya. Ayun, may nakita ulit ako. Play. Loading...
"Pero maganda po...". Itinuon nya ang kanyang mukha sa makapangyarihang cellphone na may youtube upang abangan ang nag-lo-loading na video.
"Ayun..." play! Maya maya, "teka, iba boses ah.. ang gara, hindi yan yung orig. Kaya pala, 'Cover lang'" hanap hanap ulit sa Youtube.
"Ang galing ng boses..." ang sabi nya habang hinintay ang kanta.
"Oo, pero 'di pa iyan ang original." Ang tindi, puro Cover nakikita ko. Wala na bang yung kay Dana Glover?
Ayun. Shrek Theme Song. It is you. Play. Binaba ko ulit ang makapangyarihang cellphone na may youtube para ipakita sa kanya. Itinuon naman nya ang kanyang mukha sa video.
Talaga nga naman. Puro tugtog lang at yung lyrics nasa video lang. Videoke pala. Itinuloy nya na ang pag-ti-text at pagsalampak sa sofa. Wala wala... mukhang napapanis na ang napakagandang kanta na ipinagmamalaki ko sa kanya. Hanap hanap hanap, ngunit walang tagumpay sa Youtube. Puro Cover at minus 1. Text na sya ng text. Ngunit hindi ako susuko. Mp3 na lang hinanap ko, matuloy lang. Hahahaha. Natatawa na lang ako eh.
Epic Fail. Ginagawa na lang nating katatawanan ang mga pagkakamaling hindi nakakatawa dahil wala tayong mapapala kundi tanggapin ang mga ito sa halip na balik balikan ngunit hindi mapapalitan ang mga nagdaan.
Kung tutuusin, hindi naman malubha yun. Pero, dangal ko ang nakataya. Hahaha. Wala akong magagawa kundi ang tumawa. Yun na lang siguro ang pinakamainam na gawin sa halip na umiyak at magmukmok. Gamot ang tawa, sakit ang luha. Pagkatapos kong tumawa, ngayon alam ko na. Mahirap hanapin ang original na Theme Song ng Shrek sa youtube lalo kapag makapangyarihang lang ang cellphone gamit mo at hindi desktop or laptop.
Pagkatapos ng lahat, umupo ako sa trono at isinulat ang mga ito.

Martes, Nobyembre 11, 2014
Nasaan si Hustisya?
Nakita nyo ba sya? Babaeng nakahubad, may piring ang mata at may hawak na timbangan. Naghubad
sya upang makita ng lahat ang katawan nya at walang maitago. Nagpiring sya
upang hindi nya makita ang mga tinitimbang nya. Matagal na syang nawawala eh. Hindi
ko alam kung patay na, nakakulong, nabaliw, ginahasa, ninakawan, binaril, tinaga,
inagos ng baha, nalalag sa eroplano, nalunod sa dagat, namatay sa gutom, nakursunadahan,
nabihag, o nilason. Hindi tiyak eh. Hindi ko rin makita yung lapida nya kung
sakaling patay na sya. Hindi pa rin naman nakikita yung bangkay nya. Hindi ko
rin matiyak kung nagtatago ba sya o tinatago. Hindi ko alam kung nagpapanggap o may pinagtataguan. Hindi ko alam eh. Nung una naman nakatayo lang sya
sa gitna ng halamanan. Nasaan na kaya yun?
Minsan si Propeta
Jeremias tinanong ang Diyos kung nasaan si Hustisya, ang sabi ng Diyos kay
Jeremias, “Kung ikaw ay napapagod sa takbuhan ng mga tao, paano ka mananalo sa
takbuhan ng kabayo? Kung hindi ka makatayo sa patag na lugar, paano ka
makatatayo sa kagubatan ng Jordan?” (Jer.12:5)
Ngayon, nasaan si
Hustisya? Maraming naghahanap kasi sa kanya. Alam ko kamag-anak nya si Pag-ibig
eh. Hindi ko lang sigurado kung kapatid. Marami silang magkakamag-anak eh,
hindi ko na lang iisa-isahin, baka may makalimutan ako. Ang nanay yata ni
Hustisya si Katotohanan at anak nya si Batas. Sila kasi madalas ang hinahanap
kapag nagtitimbang si Hustisya. Ang masama, maraming nagpapanggap na
Katotohanan at minsan, hinihilo si Batas. Madalas nga may Batas na hindi anak
ni Hustisya. Teka, nasaan na rin ba si Katotohanan? Ayun! Nandito pa. Pero
bakit ang daming kampon ni Sinungaling? Ingat kayo riyan marami nang naloko yan.
Nga pala, kung hindi anak ni Hustisya ang Batas, anak yan ni Sinungaling. Kaya
ayun siguro, si Hustisya hindi na natin makita. Ewan ko lang ah. Iniisip ko tuloy na hindi kaya nagtago
na lang si Hustisya dahil hindi nya rin magagawa ang trabaho nya ng tama dahil
sa mga anak ni Sinungaling? Hindi kaya? Parang malungkot yun ah.
Nakita mo ba si
Hustisya? Mapalad ka kung kasama mo sya. Marami kasing naghahanap sa kanya eh.
Pakituro naman sa mga naghahanap kung saan mo sya nakita.
Paki-usap.
Salamat!
Lunes, Setyembre 15, 2014
Ang Aklat ng Esther
Note: Bago basahin ang akdang ito, hinihiling
ko na tapusin mo munang basahin ang pag-uusapang aklat sa Biblia. Ito ay
matatagpuan sa Lumang Tipan. Pinakahuling librong pangkasaysayan. Nasa pagitan
ng aklat ni Nehemias at Job.
Isang napakatingding
hatol ang nakaamba sa mga Hudyo na nasa Imperyo ng Persya – Kamatayan. Ito ay
matapos hilingin ni Haman na papatayin silang lahat dahil kakaiba ang kanilang
paniniwala. Nag-ugat ito sa hindi pagyuko ni Mardoquio bilang isang Hudyo sa
kanya. Pinagbigyan ito ng Hari dahil masasamsam nila ang kayanaman ng mga
Hudyong mapapatay. Nagpalabas sa kaharian ng isang utos para rito na may selyo
ng hari at hindi kailanman mababali. Nang malaman ng Hari na Hudyo si Esther –
ang kanyang Reynang kinalulugdan – galit na galit ito kay Haman. Pinabitay siya
sa bitayang pinagawa nya para sana kay Mardoquio.
Gayunpaman, hindi
maaaring bawiin ang pinawalang utos ng hari kahit patay na ang pasimuno nito.
Ang hari mismo ay walang kapangyarihan upang bawiin ang nauna nyang ipinalabas
na utos. Dahil dito, nagpalabas ng panibagong kautusan ang hari – maaaring magsamasama
ang mga Hudyo sa mga bayan at ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Sa ganitong
paraan nailigtas ang mga Hudyo sa kamatayan ng hindi sinisira ang naunang
kautusan.
Ito ang isa sa pinakamagandang paraan kung paano ipaliwanag ang pagkakaligtas ng Diyos sa Tao.
Isang bagay ang totoo – lahat ng tao may kasalanan (Roma 3:23) at walang
nakalulugod sa Diyos (Awit 53:2-3). Walang nakasunod ng kautusan kaya’t
nakaamba rin sa atin ang kamatayan (Roma 5:12). Naghihintay na lang ng tamang
araw kung kailan ang ibibigay ang hatol (Isaiah 13:9). Nakatakda ang kautusan
at alin man sa mga ito ay hindi mawawalan ng bisa (Mateo 5:18). Sa madaling
salita, sa ating sariling kalagayan, walang pag-asang mabuhay ang tao o
makaligtas (Mateo 19:25; Roma 7:24). Anong sabi ng Panginoong Hesus? “Ang hindi
magagawa ng Tao ay magagawa ng Diyos.” Mark 10:27
Tulad ng kalagayan ng
mga Hudyo sa kwento ng Esther ang kalagayan ng lahat ng tao. Walang pag-asa
dahil sa nakatitik na kautusan. Wala ring sinumang maaaring makapagbali ng mga
kautusang ito maliban sa parehong kapangyarihan.
Isang dakilang
pag-ibig ang kailangan sa lagay ng tao upang maligtas. Maaari tayong hindi
pansinin ng Diyos sa ating kalagayan dahil nakatakda na ang kaparusahan. Ngunit
pinili ng Diyos na iligtas tayo dahil sa
dakilang pag-ibig Nya sa atin (Juan 3:16). Hindi tayo makalalapit sa Diyos ng
tayo lang (Parang si Esther na hindi makalalapit sa harap ng Hari). Kinailangan
ng isang taong kinalulugdan upang may makalapit sa harap ng Diyos at hindi
mamatay (Tulad ni Esther sa harap ng Hari). Ngunit walang kalugudlugod sa Diyos,
kahit mga Pari na dapat malinis sa nagsusunog ng alay (Hosea 4:6). Sino lang?
Ang Panginoong Hesus lang! (Luke 3:22) Sa paanong paraan? Sa pamamagitan ng
pagsunod ng Panginoon sa kautusan (Mateo 5:17) – hanggang sa kamatayan sa krus
(Filipos 2:8). Anong kautusan ang kanyang ginawa para sa ikalilinis ng tao? Ang
pagbubo ng dugo (Leviticus 16:15-16;17:11) – ng kanyang sariling Dugo para sa
kasalanan ng maraming tao (Hebreo 9:13-14;28).
Sa pamamagitan ng
paraang ginawa ng Diyos, naligtas ang tao. Sa pamamagitan ng Kautusan, nakaamba
ang kahatulan ng kamatayan sa tao, ngunit ang “hindi kayang gawin ng tao ay
kaya ng Diyos”. Bagamat tayo ang may kasalanan, Sya ang gumawa ng paraan upang
tayo ay magkaroon ng kaligtasan. Pag-ibig.
Ito ang kasaysayan ng
pagkakaligtas sa mga Hudyo sa Aklat ng Esther. Basahin natin ang buong aklat ng
Salita ng Diyos ng may panalangin at malalaman natin ang kasaysayan ng pag-ibig
at pagliligtas ng Diyos sa atin. Nakakatuwang isipin na ika-12 buwan ng ika-14
at 15 araw ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagliligtas sa kanila ng Diyos mula
sa kapahamakan. Tayo namang mga Kristiano, ipinagdiriwang natin ang pag-ibig ng
Diyos at pagtupad ng kanyang pangako ng ika-25 araw ng ika-12 buwan ng taon (na
sa ating mga Filipino ay sinisimulan tuwing ika-16 ng ika-12 buwan).
Ano ngayon ang ibig ng
Diyos sa tao? Pag-ibig (Hosea 6:6).
Tukso
Bago magpasimula sa
kanyang pangangaral, ang Panginoong Hesus ay nag-ayuno at tinukso ng Diyablo.
Sa talong bagay sya tinukso: (1.) “Gawin tinapay ang mga bato.”; (2.) “Magpatihulog
dahil sabi sa kasulatan, ‘sasaluhin ka ng mga Angel.’”; at (3.) “Ibibigay ko sayo
ang kayamanan at kapangyarihan sa lahat ng mga kaharian.” Sa lahat ng ito, ang
Panginoong Hesus ay nagtagumpay at sa huli ay nilisan sya ng Diablo. Ginamit
nya ang espada ng Espiritu – ang salita ng Diyos – upang matalo ang kaaway,
bagama’t may ganitong baon rin ang kalaban.
Sa panahon ngayon, sa
mga lingkod ng Panginoong Hesus, patuloy tayong tinutukso sa pamamagitan ng mga
bagay na mahina tayo – sa tatlong bagay na ginamit ng kaaway sa Panginoong
Hesus. Pag-usapan natin ang karaniwang mga pangyayari sa ating buhay na
maaaring Diyablo ang nagbubunsod sa atin upang malaglag sa mga bitag ng tukso.
A. “Gawin tinapay ang
mga bato”
Nang mga panahong ito,
katatapos lang mag-ayuno ang Panginoong Hesus. Apat na pung araw at apat na
pung gabi. Naranasan mo na bang mag-ayuno ng kahit isang araw lang? Ikumpara mo
ito sa pag-aayuno ng mahigit sa isang Buwan. Alam mo kung ano ang nararanasan
ng Panginoong Hesus.
Ang Diyablo ay
naghihintay ng magandang pagkakataon. Pangangailangan ng ating katawan ang isa
sa unang pinupuntirya dahil mahina tayo rito. Anu-ano ba ang mga pangangailangan
ng katawan? Kung may makakasagot man nyan, ikaw iyon dahil nadarama mo iyan
bilang tao. Kung hindi mo alam, may mga sinasabing pangangailangang pangkatawan
si Dr. Abraham Maslow, nasa iyo kung maniniwala ka.
Sa paanong paraan
natutukso ang tao sa katawan? Alam kong alam mo rin iyan. Bigay lang ako ng
ilang halimbawa: Pagkain – may mga kumakapit sa patalim para lang makakain, may
mga kumakapit sa patalim para makabili ng masarap na pagkain, may mga sumusobra
sa masasarap na pagkain, etc. Inumin – hindi naman talaga masamang uminom ng
alak, ang masama ay paglalasing. Pagtulog – Linggo ng umaga ang karaniwang
pananambahan ng sama sama, ngunit dahil sa daming ginawa ng Sabado – araw dapat
ng pamamahinga – pagod at hindi makatayo ng Linggo.
Maraming iba pa. Ikaw
nakadarama sa iyong katawan. Anu-ano pa ba ang nagtutulak sayo, sa mga
pangangailangang pisikal ng katawan, upang magkasala? Kapag wala sa lugar at
kapag sobra, ito ay tukso na dapat labanan.
B. “Magpatihulog. Dahil
sabi sa kasulatan, ‘sasaluhin ka ng mga Angel.’”
Matindi ang panunukso
na ito – ginamit ng Diablo ang Salita ng Diyos. Katulad ng nabanggit na kanina,
may mga mabubuting bagay na kapag wala sa lugar, ito ay masama. Ano ba ang
implikasyon nito? Bakit kailangang ipakita sa Diyablo ang katotohanan ng Salita
ng Diyos? Bakit kailangang subukin ang katotohanan ng Salita ng Diyos?
Una sa lahat, kung
Diyablo ang nagsasalita, kahit pa mula sa Salita ng Diyos ang kanyang mga
sinasabi, wag kang makinig. Tiyak kasinungalingan ang sinasabi nito. Wag kang
papadaya. Marami nang nadaya ang Diablo na naging sanhi ng kapahamakan ng mga
nadaya at ng mga nadamay nito. Matuto tayo sa pagkakamali ng iba.
Pangalawa, tayo ay
nabubuhay sa pananampalataya. To believe
is to see. Maniwala ka at makikita mo. Hindi kailangang patunayan ng Diyos sayo
ang lahat kung hindi ka pa naniniwala. Maniwala ka muna at patutunayan ng
Diyos. Maniwala ka at mararanasan mo. Sa bingit ng kamatayan ay hindi ka
matatakot kapag naranasan mo na ang buhay na kasama ang Diyos dahil walang
pagkakaiba ang mamatay at ang mabuhay.
C. “Ibibigay ko sayo ang kayamanan at
kapangyarihan sa lahat ng mga kaharian.”
Kung maraming nalalaglag
sa dalawang nauna, mas maraming nalalaglag sa pangatlong ito. May mga taong
nakakalampas sa unang dalawa ngunit natatalo rito. Tandaan natin na ang hindi
panig sa atin ay kalaban natin. Ang hindi tumutulong mag-ipon ay hindi natin
kasama. Hindi tayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa salapi. Ang pag-ibig sa
salapi ay ang bunga ng lahat ng mga kasalanan. Ano ba ang nagtutulak sayo sa
paglilingkod sa Diyos? Dahil ba sa salapi?
Dalawang bagay ito.
Salapi at kapangyarihan. Kapag mayroon ka ng isa sa mga iyan, makukuha mo ang
pangalawa. Hindi masama ang salapi kung tinitingnan natin ng tama. Bakit gusto
nating yumaman? Para hindi magkulang at magkaroon ng kapangyarihan? Bakit gusto
nating magkaroon ng kapangyarihan? Para magkaroon ng kayamanan o sanggalang at
hindi mapahamak kahit saan? Bakit? Nasaan ang pananampalataya? Anu ano ba ang
maaari mong iwan para makuha ang kayamanan at kapangyarihan? ‘tol, uubos yan ng
iyong panahon at lakas. Bilin ng Diyos na ibigin Sya ng buong puso, lakas, at
isip. Ano ngayon ang gumugulo sa isip mo? Baka higit na riyan ang pagtingin mo
kaysa pagtingin mo sa Diyos. Baka ang oras na ginugugol mo riyan ay higit na sa
oras na niloob ng Diyos. Baka higit na iyan ang pangunahin para sayo sa pila kaysa
sa Diyos. Baka mapahamak ka nyan at mapabilang sa mga naunang nalaglag sa ganitong
uri ng tukso.
Kapag ang ilang mga
bagay ay nilagay natin sa ating isip na higit sa Diyos, yun na ang ginagawa
nating diyos ng atin buhay. Wala itong pinagkaiba sa pagyuko natin sa Diablo
para ibigay ang kayamanan at kapangyarihan. Uulitin ko lang, hindi masama ang
salapi o ang kapangyarihan. Nasa pagtanaw natin iyan.
Paglalagom. Sa bandang
huli, Diyos lang nakakakita ng iyong puso. Ikaw lang at ang Diyos ang nakaaalam
kung nalaglag ka sa tukso. Sa lahat ng iyan, dapat gawin nating pangunahin ang
Diyos. Isipin natin ang mga bagay na darating o ang buhay na walang hanggan
kasama ang Diyos sa halip na mga bagay na pansamantala lang dito sa lupa. Ingat
tayo sa mga pangako ng pag-asa na hindi totoo. Palaging ang Diyos ang ating
pag-asa. Sa kasaganahan o kakulangan, sa kasiglahan o sakit, sa kalayaan o
pagkakulong, sa buhay o sa kamatayan. Wag nating hayaang mas kabisado ng Diablo
ang Salita ng Diyos kaysa sa atin dahil tiyak matatalo tayo sa tukso. Lagi
nating patalasin ang espada ng Espiritu – ang Salita ng Diyos – na sumasaatin
upang magtagumpay tayo sa tukso na gawa ng mali maling turo na ginagamit ng
kalaban. Mabuti ang lahat ng nagmula sa Diyos, ngunit ito ang ginagamit ng
kalaban upang tuksuhin tayo. Ingat ingat! “Ang manatiling tapat hanggang sa
wakas ang siyang maliligtas.”
Sabado, Setyembre 6, 2014
Nang Ipinanganak ang Awa
May isang batang musmos ang naglalaro ng sisiw sa kanilang bakuran. Hindi nya alintana ang hirap na pinagdaraanan ng sisiw sa kanyang kamay. Giniginaw ito sa lamig dahil binasa ng tubig, hindi na ito makalakad ng tuwid dahil sa pilay na dala ng binagsak ito mula sa upuan, maraming galos dala ng pambabangga ng maliit na sasakyan dito. Patuloy ang iyak ng sisiw na di nauunawaan ng bata. Siguro nagtatanong ang kaawaawang sisiw kung bakit sya napasakamay ng bata. Hindi sya nagkaroon ng pagkakataon upang makasama kahit sandali ang kanyang inahin. Maging ang kanyang tatay, hindi nya na ito nakuhang makilala.
Matapos ang isang malakas na bayo ng pagbangga sa sisiw, huminto ito sa pag-iyak. Pumipitikpitik ang mata. Tiningnan ito ng bata. Anong nangyayari sa sisiw? Anong nangyayari sa aking side kick matapos naming makipaglaban sa mga magnanakaw, lumipad mula sa mataas na gusali, Lumangoy sa malalim at malamig na dagat? Dito na ba matatapos ang aming magkasamang pakikipagsapalaran? Nagtagumpay kami, ngunit namatay naman ang kasama ko. Biglang nawala ang bata sa kanyang balintataw. "Anong nangyayari sa kaibigan ko?"
Maya maya, tumakbo ang bata papasok ng bahay. Umiiyak tulad ng sisiw kanikanina lang.
"Nay, tulungan nyo po yung kaibigan kong sisiw... Mukhang mamamatay na... Waaaah! Kawawa naman sya..."
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)